^

PM Sports

“Alay Para Atleta” inilunsad

Pang-masa

MANILA, Philippines — Inilunsad kahapon sa isang simpleng pagtitipon na ginanap sa Dad’s Kamayan Edsa ang proyektong “Alay Para Atleta” na naglalayong palaganapin sa buong bansa ang Paralympic Movement at makakalap ng karagdagang pondo na makakatulong sa kampanya ng mga differently abled athletes ng bansa sa iba’t ibang international competitions at palawakin  ang  grassroots program ng Philippine Paralympic Committee-Philspada.

“Alay Para Atleta Program is an integrated marketing program which aims to propagate the Paralympic Movement in the country,”ayon kay  PPC-PHILSPADA president Michael Barredo.

Hangad  din na makalikom ng mas maraming resources na  susuporta para sa Paralympic Movement .

Katuwang ang G-Gateway Mobile Philippines at University Athletic Association of the Philippines (UAAP)  sampu ng Philippine Sports Commission, nilagdaan nina Barredo at G-Gateway Mobile Philippines Senior Director Charlene Reyes ang kontrata nila bilang magkasangga  sa Alay Para Atleta Mobile Donation Project.

Sa ilalim ng nasabing programa, inaasahang  lalo pang maipakikilala at maipapaabot sa kaalaman ng samba-yanang Pilipino ang pagkakaroon ng mga differently-abled athletes na gaya ng mga regular nating national athletes ay lumalaban din at inilalaan ang natatanging talent nila para makapagbigay ng karangalan sa bansa.

Kahit sinong Pilipino ay maaaring makapagbigay ng donasyon o tulong sa pamamagitan ng paggamit ng kanilang mobile phone . Puwedeng  makapagbigay ng donasyon sa pamamagitan ng pagti-text ng keyword na ALAYPARA  kasunod kung magkano ang ibibigay na donasyon, halimbawa, ALAYPARA50  at i-send o ipadala sa 3456 sa Globe at Smart network.

Inaasahan ni  Barredo na dahil sa magandang performance na ipinakita ng mga Filipino PWD athletes sa nakaraang 9th ASEAN Para Games na ginanap sa Malaysia kung saan humakot sila ng 20 gold medals ay mas marami pa ang maeengganyong sumuporta sa mga ito lalo pa’t nakahanay ang ilang malala-king tournament na kanilang sasalihan kabilang na ang 2020 Tokyo Paralympics, 2018 Indonesia Asian Para Games at ang 2019 Asean Para Games na dito mismo sa bansa idaraos.

Dumalo  kahapon at nauna nang nagpasinaya sa programa sa pamamagitan ng pagti-text ng kani-kanilang mga donasyon sina UAAP athletes Janjan Jaboneta ng University of the Philippines Fighting Maroons, Hubert Cani ng National  University  Bulldogs at Rhyan Amsali ng NU Bullpups kasama sina UAAP executive director  Atty. Rebo Saguisag at Nonong Calanog ng De La Salle.

Naroon din  si dating PBA 4-time MVP Alvin Patrimonio at nagbigay ng kanyang donasyon sampu ng pangakong susuporta sa magandang adhikain ng programa.

Tinatayang  tatagal at mas magiging malawak ang maaabot ng malilikom na suporta ng Alay Para Atleta program hanggang sa 2020 kung saan target ng PPC-PhILSPADA na makamit ang unang  Paralympic gold ng bansa.

“Nagpapasalamat po kami sa lahat ng mga sumusuporta at susuporta sa napakagandang programang ito na napakalaki ng maitutulong para sa mga gaya kong  mga atleta na may kapansanan,” ani weightlifter  Adelin Dumapong.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with