^

PM Sports

LeBron nakalaro na pero...

Pang-masa

CLEVELAND — Inob-serbahan ni LeBron James ang estado ng kanyang na-injured na left ankle sa kanilang team practice noong Linggo ngunit wala pang katiyakan kung maglalaro siya sa season opener ng Cavaliers.

Nagkaroon si James ng sprained left ankle injury sa ensayo ng Cleveland noong Setyembre 27.

Hindi naglaro ang three-time NBA champion sa unang tatlong exhibition games ng Cavaliers bago ginawa ang kanyang debut noong nakaraang linggo laban sa Chicago Bulls.

Nakita siya sa aksyon sa loob ng 30 minuto at muling naramdaman ang pananakit ng kanyang bukung-bukong nang gawin ang isang spin move.

Iniupo si James sa preseason finale sa Orlando noong Biyernes.

Bubuksan ng Cavs ang regular season sa Martes laban sa dati nilang point guard na si Kyrie Irving at sa Boston Celtics.

Sinabi ni coach Tyronn Lue na pinag-aralan lamang ni James ang kanilang mga plays.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with