UAAPPC–Chooks To Go Player Of The Week
MANILA, Philippines — Dahil sa kanyang ipinakitang performance sa nakalipas na linggo, napili si De La Salle wingman Ricci Rivero bilang UAAP Press Corps-Chooks To Go Player of the Week ng UAAP Season 80 men’s basketball tournament.
Pinangunahan ni Rivero ang defending champions upang maka-bawi buhat sa natamong kabiguan sa kamay ng kanilang archrival na Ateneo, 76-75 sa pagtatapos ng first round.
Nakapagtala ang Green Archers ng dala-wang panalo upang uma-ngat sa markang 6-2 kung saan umiskor si Rivero sa average na 20 puntos, 3 assists at 3.5 steals.
“At first I always think of ways of helping the team and the coaches just told me to just stick to the game plan and they will find me on offense,” pahayag ni Rivero. “I’ll just do my job and they’ll help me get my offense going.”
Nakita ang pinakama-tinding laro ni Rivero sa 75-73 panalo kontra sa Far Eastern University kung saan nagposte ang second-year guard ng 20 puntos, mula sa 9-of-15 shooting.
Inungusan ni Rivero para sa lingguhang citation ang kakamping si Ben Mbala, Thirdy Ra-vena ng Ateneo at Mark Olayon ng University of the East.
- Latest