Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

May habol pa ang Arellano

MANILA, Philippines — Hindi alintana ng Arellano ang pagkawala ni  Kent Salado nang patuloy nilang binuhay ang tsansang makahabol sa Final Four round matapos talunin ang University of  Perpetual, 62-52 kahapon sa NCAA Season 93 men’s basketball tournament sa  Filoil Flying V Centre sa San Juan.

Bunga ng tagumpay, ang kanilang ikatlong sunod sa second round, umangat ang Chiefs sa ikalimang posisyon hawak ang markang  8-9.

Malaki pa ang tsansa nilang makapuwersa ng playoff sa nalalabing semifinals slot kung magwawagi sila sa huling laro kontra sa Mapua sa Martes.

Ikinatuwa ni coach Jerry Codiñera ang naging adjustments ng koponan sa pagkawala ni Salado na nagtamo ng  slight MCL sa kanyang kanang tuhod.

“It was a big change for them to play without Kent. We started bad, we couldn’t score, but when (Lervin) Flores scored, the doubts and apprehensions disappeared,” ani Codiñera.

Nanguna si Lervin Flores para sa  Chiefs sa ipinoste nitong  19 puntos, 8 rebounds, 4 blocks, at 2 assists kasunod si Rence Alcoriza na may  16 puntos at  7 rebounds.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Nalasap ng Altas ang ika-6 na sunod na pagkatalo na nagbaba sa kanila sa markang 4-12, panalo-talo.

Nagtapos namang topscorer si AJ Coronel para sa Altas na may 14 puntos at 3 rebounds kasunod si Prince Eze na may 11 puntos, 22 rebounds at 4  blocks.

Sa ikalawang laro,  nakamit ng ousted nang College of St. Benilde ang ika-4 nilang tagum-pay makaraang gapiin ang kapwa eliminated ng Emilio Aguinaldo College sa overtime, 94-84.

Makaraan ang regulation na  nagtapos sa iskor na 78-all,  nilimitahan ng Blazers ang Generals sa anim na puntos lamang sa limang minutong extension upang makopo ang panalo.

Nagtala ng 24 puntos ang kanilang Senegalese center na si Clement Leutcheu habang nagdagdag naman ng 19 puntos si Edward Dixon upang pamunuan ang nasabing panalo, ang kanilang pang-apat sa 17 laro. 

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: