Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

ESPN 5 na ang dating Sports 5

MANILA, Philippines — Pormal na inihayag kahapon ng TV5 Network, Inc. at ng ESPN ang kanilang kasunduan para sa isang long-term collaboration na magpapakilala sa ESPN 5.

“ESPN’s focus around the world is simple: to serve sports fans,” wika ni ESPN APAC vice-president at general manager Mike Morrison. “This long-term collaboration across television and digital allows us to jointly serve millions of sports fans in the Philippines with exceptional content and coverage.”

Sa kanilang pagtutulungan ay tatawagin nang ESPN 5 ang dating Sports 5 at ibibigay sa mga Fi-lipino audience ang mga pinakamalalaking sports coverage sa buong mundo na isasaere sa TV5 at Aksyon 41.

“Our partnership with ESPN, long recognized as the worldwide leader in sports, gives us tremendous upside in the quality of sports programming that we bring to the market,” wika ni TV5 president Chot Reyes.

Bibigyan din ng ESPN ang TV5 ng lisensya para sa higit sa 2,500 additional programming mula sa kanilang sports rights, original programming at studio programs.

“ESPN strengthens our current position as the country’s sports authority. It is also a testament to our belief that the Filipino audience deserves the world’s best in sports content and programming,” sabi ni Reyes.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Mapapanood sa umaga ang mga foreign sports events habang sa primetime naman ay ang mga local sports events.

Kabilang sa mga mapapanood sa ESPN 5 ay ang mga aksyon sa US college basketball, X Games, NFL Playoffs, Super Bowl at Pro Bowl.

Mananatili pa rin sa ESPN 5 ang PBA, UFC, PSL at mga FIBA competitions.

Magkakaroon din ng Philippine edition ng bantog na ‘SportsCenter’, ayon kay Reyes.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: