^

PM Sports

Villanueva isasabit na ang kanyang sneakers

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Sumama na rin si Enrico Villanueva sa ilang elite players na nagdesisyon nang tuldukan ang kanilang PBA career pagkatapos ng kanilang huling laro sa 2016-17 PBA season.

Nauna ng nag-anunsyo ng retirement sina Mick Pennisi at Tony dela Cruz. Sumunod si Rico pagkatapos tapusin ng Star Hotshots ang kampanya ng NLEX Road Warriors sa PBA Governors’ Cup.

“It has been a privilege to be part of one of the most prestigious leagues in our country – the PBA. I’d like to say thank you to my family, to the PBA – organizations, coaches, teammates, team staffs and the fans,” ani Villanueva sa statement na kanyang nilatag sa kanyang Facebook account.

Pabalik-balik na injuries ang nagpuwersa kay Rico na tapusin na ang paglalaro at i-focus ang atensyon sa kanyang negosyo. Tinitignan rin niyang pumasok sa coaching.

No. 7 draft selection siya ni coach Yeng Guiao sa Red Bull taong 2003.

Lumabas siyang draft steal dahil sa mas magandang career na naiukit kaysa kina Mike Cortez, Rommel Adducul, Eddie Laure, Harvey Carey, Brandon Cablay at Billy Mamaril na mas naunang napili sa nasabing PBA draft.

Isang Best Player of the Conference award, Finals MVP, Most Improved Player, Mythical First Team citation, pitong beses na All-Star selection ang highlight ng kanyang pro career.

Bilang pambatong sentro ng Ate-neo Eagles, nakita na noon pa lamang ni coach Ron Jacobs ang potensyal ni Rico kaya’t kasama siya sa mga amateur players na naimbitahan na mag-tryout para sa national team para sa 2002 Busan Asian Games.

Namayagpag siya ng husto sa koponang Red Bull mula 2003 hanggang 2007. Kasabay ng pagtalun-talon niya sa ibang koponan ang pagtama sa kanya ng kung anu-anong injuries. Naglaro rin siya sa San Miguel Beer, Purefoods, Ginebra, Barako Bull, GlobalPort at panghuli sa NLEX sa ilalim ng kanyang original PBA coach.

“If I’ll be a coach, it’s pretty obvious which coaching style I’ll take,” ani Rico.

* * *

Nahirang na presidente si Dennis Alemania, vice president/treasurer si Cesar Macaya at kasama nilang uupo sa board sina Ernie “Igop” dela Cruz, Bobby Aten-ciana, Dong Alemania, Ogie Dantes, Louie Valdellon, Zadi Saamong at Romy Arevalo sa Bagbaguin Elite Seniors Basketball Club sa Valenzuela na opisyal na naitatag nitong Lunes. Kasama sina Cong. Eric Martinez, Valenzuela sports chief Gerry Esplana, city fiscal Ronald Juan at ang sportswriter na ito ang nakilaro na o opis-yal na miyembro ng club.

DATOS: Maligayang bati ang ipinaparating ng mga parokyano ng Kandong McDo kay Angel Sabino Pabaya sa kanyang 54th birthday kahapon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with