^

PM Sports

Panawagan sa pagbibitiw ni Cojuangco

Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi lamang sa politika kungdi pati na rin sa sports ang idineklara ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na  “A Day of Protest”.

Mahigit 100 sports officials at mga sports buffs ang dumalo sa isang rally kahapon para manawagan sa  pagbibitiw ni Jose Cojuangco bilang president ng Philippine Olympic Committee.

Naganap ang tatlong oras na protesta sa loob ng makasaysayang Rizal Memorial Coliseum sa  RMSC kung saan kabilang sina dating Philippine Sports Commission chairman Aparicio Mequi at  dating senador Nikki Coseteng sa mga main speakers.

“I’m calling all in the POC to resign from your respective positions and conduct an open and direct elections,” sabi ni dating UP professor Mequi.

Dumating din sina Philippine Volleyball Fe-deration president Gerald Cantada, Philippine Swimming League president Susan Papa, Gerry Malilin ng Philippine Bowling Congress at Johnny Romualdez ng Philippine Football Federation para iprotesta ang nangyayaring pagkasira umano sa sports ng  bansa.

“We already know Cojuangco and his gang are corrupt, unfair and too senile to admit they are useless to remain in the POC. Now, we realize they are also deaf to the criws of the Filipino athletes. We have nothing to lose in this exercise, Mr. Cojuangco. But when you step down, Philippine sports has everything to gain,” sabi ni Cantada.

Nanawagan din sa pagbitiw ng 83-anyos na si Cojuangco si Marcia Cristobal ng Dragon Boat Federation at ang mga opisyales ng Federation of School Sports Association of the Philippines (FESSAP) dahil sa mababang performance ng Team Philippines  sa nakalipas na 29th Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia kung saan nag-uwi lamang ng 24 gintong medalya ang bansa.

“Makikita naman natin sa COA reports ang katiwalian ni Cojuangco. Kaya malinaw ang ebidensiya. Ginawa nilang hanapbuhay ang posis-yon nila sa POC,” dagdag ni Cantada.

Sa kanya namang panig, ipinahayag ni Coseteng ang pagkadismaya sa patuloy na suporta ng POC sa fugitive na president ng Philippine Swimming Inc. (PSI) na mayroong nakabinbin na warrant of arrest mula sa Sandiganbayan noon pang nakaraang taon.

“POC must remove now Mark Joseph. Why is Cojuangco is not removing him. We can’t be part of an entity that is so rotten,” ayon naman kay Coseteng na siya ring chairman ng Philippine Swimming League.

Ang panawagan sa pagbibitiw ni 12-year POC president Cojuangco ay isang nationwide  kilos protesta dahil kasabay nito ang pagdaraos sa parehong rally ang nangyari sa Cebu City sa Fuente Osmeña at sa Davao City.

Ito ay nangyari, mahigit dalawang taon bago ang hosting ng bansa sa 30th Southeast Asian Games sa Metro Manila.

Ayon pa sa isang source, marami rin sanang mga atleta ang gustong magpahayag sa kanilang saloobin ngunit natatakot dahil baka masuspindi ang Pilipinas sa International Olympic Committee (IOC) at maunsiyami ang hosting ng bansa sa darating na Sea Games.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with