^

PM Sports

Lyceum sigurado na sa Final 4

Pang-masa
Lyceum sigurado na sa Final 4

Umiskor si Mike Nzeusseu ng Lyceum laban kina Prince Eze at Daryl Singontiko (#33).  (PM photo ni Jun Mendoza)
 

MANILA, Philippines — Nagawang mapigil ng Lyceum ang  late rally  ng Perpetual upang maitakas ang 94-83 panalo sa pagpapatuloy ng second round  ng NCAA Season 93 men’s basketball tournament kahapon sa  Filoil Flying V Center sa San Juan.

Ang panalo ang ika-13 sunod para sa Pirates na pormal namang nagbigay sa kanila ng unang Final Four seat.

Muling tumapos na topscorer para sa Pirates si CJ Perez na nagtala ng  21 puntos, 9 assists at 5  rebounds.

Ngunit ang kanilang walang humpay na depensa sa pangunguna ng kambal na sina Jaycee at Jayvee  Marcelino ang naging totoong susi sa panalo.

Sa ipinakitang hustle ng kambal,  naitaas ng Pirates ang 71-68 na kalamangan sa 83-70 sa bisa ng inilatag nilang 12-2 run.

Nakaganti pa ang Altas ng 11-2 blast sa pangu-nguna ni Prince Eze para makalapit sa huling pagkakataon, 81-85 may 2:10 pang nalalabi sa oras. 

Ngunit sumagot ulit ng pitong puntos ang Ly-ceum upang ganap na selyuhan ang panalo at patunayang suwerte sa kanila ang numero13.

“It’s really something that we are not accustomed to but part of the journey is making it here,” pahayag ni Lyceum coach Topex Robinson. “We’ll just continue to be humble and feel blessed to be in this position.”

Tumapos si Jayvee na may  15 puntos at 11 naman si Jaycee kasunod ng sentrong si Mike Nzeusseu na mayroon ding 15-puntos at 10 rebounds.

Nalaglag ang Altas sa 4-8 panalo-talo.

Sa ikalawang laro, buhay pa ang pag-asa ng season host San Sebastian College na makapasok sa Final Four round matapos magwagi kontra sa College of St. Benilde, 73-61.

Dahil sa panalo, lumikha ang Stags ng 3-way tie sa fourth spot kasalo ng Letran at ng Emilio Aguinaldo  hawak ang magkakaparehas na barahang 6-6, record.

Nagtala ng 16-puntos si Enzo Navarro, 12 dito ay ginawa nya sa final canto at 15 naman ay galing sa limang 3-point shots upang pangunahan ang panalo ng Stags.

Bumagsak ang Blazers sa markang 3-10 panalo-talo at nalagay sa must win situation sa mga nalalabi nilang laro.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with