^

PM Sports

Ika-13 tangka ng Lyceum

Pang-masa

MANILA, Philippines — Susuwertihin kaya ang Lyceum of the Philippines University sa pagpuntirya nilang ika-13 sunod na panalo sa pagsagupa sa University of Perpetual Help sa unang laro ng seniors division ngayong hapon sa pagpapatuloy ng second round ng NCAA Season 93 men’s basketball tournament sa Fil Oil Flying V Center sa San Juan City.

Muntik ng nahinto ang winning run ng Pirates sa nakaraan nilang laban kontra sa Arellano Chiefs kungdi sila naisalba ni team skipper MJ Ayaay.

Sa kabila nito, naging positibo pa rin ang Pirates dahil napatunayan nilang puwede silang manalo kahit wala ang lider na si CJ Perez na nag- graduate naman sanhi ng 5-personal fouls papasok sa huling dalawang minuto ng naturang laban. 

“The reminder here is this is not CJ’s team. No, it’s all of us. We love CJ on the team but CJ knows also that we [can] win without him. He’s also an important part of us. It’s a collective effort,” wika ni LPU coach Topex Robinson matapos makamit ang ika-12 dikit nilang tagumpay.

Sa kabilang dako, inaasahang babawi ang Altas mula sa ‘di inaasahang pagkatalo nila sa St. Benilde Bla-zers na tumalo sa kanila noong first round sanhi ng teknikalidad upang palakasin ang kanilang tsansang umabot ng susunod na round.

Sa tampok na laro, target ng Blazers ang unang back-to-back wins ngayong season sa pagtutuos nila ng season host na San Sebastian Stags (5-6) na hangad  namang bumalikwas sa huling kabiguang na-tamo sa kamay ng San Beda sa nakaraan nilang laban upang tumabla sa Emilio Aguinaldo College Generals at Letran Knights sa ika-apat na puwesto taglay ang 6-6 panalo-talo. FML

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with