^

PM Sports

Lady Bulldogs solo sa liderato

Pang-masa

MANILA, Philippines — Sinolo ng defending champion National University ang pamumuno at hinatak ang hawak na winning streak hanggang 51-laro matapos ang 95-65 panalo kontra sa University of Santo Tomas kahapon sa UAAP Season 80 women’s basketball tournament sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Umarangkada ang Lady Bulldogs sa second half at nilayuan ang Tigresses makaraang umiskor ng 54- puntos kontra sa 27-puntos lamang ng juniors para makamit ang panalo, ang kanilang ikatlong sunod sa taong ito.

Nagposte si Trixie Antiquera ng 27 puntos, kasunod si Jack Daniel Anmam na may 23 puntos at 18 rebounds at si Ria Nabalan na may 17 puntos, 11 rebounds at 9 assists upang mamuno sa nasabing panalo.

Dulot ng natamong kabiguan, bumagsak ang Tigresses sa four-way tie sa ikalawang posisyon kasama ng Far Eastern University, University of the East at Ateneo taglay ang 2-1 panalo-talo.

Sa isa pang laro, nagwagi na rin sa wakas ang Adamson University, sa pangunguna ni Nathalia Prado na nagsalansan ng 26 puntos nang dagitin nila ang De La Salle, 88-84 sa ikatlo nilang laban.

Ang pagkatalo ang ikatlong sunod ng Lady Archers sa loob din ng kasindaming laro. (FML)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with