^

PM Sports

Romeo pinagmulta

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasibak na sa kontensyon ang Globalport at lalo pang nadagdagan ang kamalasan ni point guard Terrence Romeo.

Pinatawan si Romeo ng multang P20,000 ng PBA Commissioner’s Office dahil sa ginawang pambabato ng bola kay Blackwater import Henry Walker sa kanilang laro noong Linggo sa Ynares Center sa Antipolo City.

Inamin ni Romeo na minasama niya ang pagbangga sa kanya ni Walker sa pagsalaksak niya sa basket sa huling limang minuto ng second period.

“Parang nilabasan niya ako ng hips ng konti,” sabi ni Romeo sa ginawa ni Walker. “Delikado kasi, so kahit hindi ka tinamaan, ‘yung act na pag-ganun niya, puwedeng maapektuhan ‘yung galaw ko nun eh.”

Dahil dito ay awtomatikong napatalsik sa laro ang Gilas Pilipinas standout na nagresulta sa 118-107 pagsibak ng Elite sa Batang Pier.

Pinagbayad naman ng P15,000 ang kanyang Globalport teammate na si Sean Anthony dahil sa isinuot na maling shorts sa third quarter sa kanilang laro ng Starnoong Setyembre 15.

Samantala, pinatawan si TNT Katropa head coach Nash Racela ng P17,000 sa kanilang 104-99 paggupo sa Star noong nakaraang Linggo.

Ito ay hinati sa P10,000 (issuing statements detrimental to the league), P5,000 (incessantly pointing an accusing finger at an official) at P2,000 (technical foul).

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with