^

PM Sports

Ang pagbabalik ni Mbala

Pang-masa
Ang pagbabalik ni Mbala

Si Ben Mbala ng La Salle laban kay Miguel Kristian Bernardo ng Adamson. PM photo ni Joey Mendoza

MANILA, Philippines — Sa pagbabalik ng kanilang big man na si Ben Mbala, mas naging dominante ang defending champion De La Salle tungo sa pag-angkin ng ikatlong sunod na panalo matapos igupo ang Adamson University, 85-73 kahapon sa UAAP Season 80 men’s basketball tournament sa MOA Arena sa Pasay.

Tinapos ni Mbala ang unang laro niya para sa Green Archers ngayong season na may career high na 32-puntos bukod pa sa 10 rebounds at apat na blocks.

Simula pa lamang ay ratsada na ang Archers at ipinoste ang pinakamalaking bentahe sa laro na 24-puntos sa pagtatapos ng first period, 36-12.

First half pa lamang ay may 21-puntos na si Mbala na siyang dahilan kung bakit napanatili nila sa mahigit 20-puntos ang kalamangan sa halftime,  55-33.

Ngunit ang inaasahang lopsided win ay hindi nangyari dahil sa ipinakitang puso ng Falcons sa second half kung saan tinapyas nila hanggang pito ang lamang ng Archers, 61-68 matapos ang isang 3-pointer ni Jerrick Ahanmisi sa huling bahagi ng third canto.

Gayunman, napanindigan ng Archers ang kalamangan sa kabila ng makailang ulit na pagtatangkang dumikit ng Falcons upang makasalo muli sa liderato ng Ateneo hawak ang malinis na marking 3-0.

Nanguna para sa Falcons na bumaba sa markang 1-2, panalo-talo si Philip Manalang na may 16-puntos.

Nakalusot ang National University sa matinding hamon ng University of Santo Tomas para makamit ang 94-84, panalo sa unang laro.

Dahil sa nasabing panalo, umangat ang Bulldogs sa barahang 2-1, panalo habang natamo naman ng Tigers ang ikatlong sunod nitong pagkatalo.

“Coming into the game, I really felt that it was going to be a hard one because UST is down 0-2 so we knew coach Boy Sablan and the rest of the team will come out slugging and play their best and so far, this is the best game they ever played out of the three games,” ayon kay  NU coach Jamike Jarin.

Nagposte ng double-double para sa Bulldogs si Issa Gaye sa itinala nitong 17 puntos at 13 rebounds bukod pa sa apat na blocks. FML

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with