Gilas cadets para sa FIBA Champions Cup
MANILA, Philippines — Sina SEA Games veterans Kiefer Rave-na, Carl Bryan Cruz, Raymar Jose at Almond Vosotros ang babandera sa line-up ng Chooks To Go Pilipinas na lalaban sa FIBA Asia Cham-pions Cup sa Chenzhou, China sa Sept. 22-30.
Kasama rin sa team sina PBA players Norbert Torres at LA Revilla bukod pa sa dating La Salle player na si Jeron Teng, ex-UP Maroon Jett Manuel, former FEU Tamaraw Alfrancis Tamsi at PBA free agent Jeric Teng.
Ang seven-foot-1 Gilas naturalization prospect na si Isaiah Austin at CEU player Rod Ebondo ay lalaro bilang imports habang sina Gab Banal and Andre Paras ay mga reserve players.
Papuntang China nga-yong hapon ang malaking bulto ng team habang sina Austin at Ebondo ay susunod na lang kapag nakumpleto na ang kanilang travel documents.
Hindi obligadong lumaro ang Gilas pool members sa PBA para sa Chenzhou meet na isang inter-club event kung saan ang Philippines ay lalaro bilang late substitute ng Japan.
“I think given the preparation, getting to the quarterfinals is a very reasonable expectation,” sabi ni coach Chot Reyes.
Haharapin ng Chooks To Go ang BC Astana ng Kazakhs-tan sa pagsisimula ng kanilang kampanya sa Biyernes sa torneong pinagwagian noong nakaraang taon ng Andray Blatche-led China Kashgar.
Sunod na kalaban ng Team Phl ang Sarreyyet Ramallah ng Lebanon sa September 23rd kasunod ang Mono Vampires ng Thailand sa 24th, Pe-troChimi ng Iran sa 26th para sa tangkang Top Four finish sa kanilang grupo para makapasok sa knockout stage.
- Latest