^

PM Sports

Blatche o Standhardinger?

Pang-masa
Blatche o Standhardinger?

Andray Blatche at Chris Standhardinger

MANILA, Philippines — Sinabi ni Gilas head coach Chot Reyes na isa kina Andray Blatche at Christian Standhardinger ang lalaro para sa Philippine national team bilang naturalized import sa unang bahagi ng home-and-away window ng FIBA Asia/Pacific qualifiers para sa 2019 FIBA World Cup dahil ‘di pa puwede si 7-1 Isaiah Austin sa kaagahan ng torneo.

May anim na home-and-away windows patungo sa FIBA World Cup sa China sa 2019. Ang unang window ay sa Nov. 20-28 kung saan kasali ang 16 teams na hinati sa apat na grupo. 

Ang Philippines ay nasa Group B kasama ang Japan, Chinese-Taipei at Australia. Ang susunod na dalawang windows ay sa Feb. 19-27 at June 25-July 3. 

Ang  top three finishers sa bawat grupo ay hahatiin sa dalawang grupo na may tig-anim na teams para sa second round ng home-and-away games. 

Ang unang window ng second round ay sa Sept. 17-25 at ang susunod na dalawa ay sa Nov. 26-Dec. 4 at Feb. 18-26.

Kinumpirma ni Gilas team manager Butch Antonio na ang debut ng Philippines ay kontra sa Japan sa isang road game sa Nov. 24. 

Ang hiling ng Japan na i-advance ang schedule sa Nov. 23 ay ibinasura. Sunod na laban ng Philippines ay kontra sa Chinese-Taipei sa sariling balwarte sa Nov. 27.  Ang unang dalawang games ay nakatakda bago buksan ang bagong season ng PBA sa Dec. 17.

Sa ilalim ng MOA ng SBP at PBA, ang mga Gilas cadets sa PBA teams ay ipapahiram 60-araw bago ang isang qualifying tournament para sa World Cup, Olympics, FIBA Asia Cup o Asian Games. 

Sa Nov. 24 game, maaari nang hugutin ang mga  Gilas cadets sa Sept. 25. Ang mga PBA veterans ay ipapahiram naman mula Nov. 9. Pumayag ang PBA teams na ipahiram ang isang veteran player sa Gilas. Sa nakaraang FIBA Asia Cup sa Lebanon, ipinahiram ng Rain Or Shine ang dalawang vete-rans na sina Gabe Norwood at Raymond Almazan sa Gilas dahil voluntary naman ang pagpapahiram sa higit sa isang player.

Dahil sa Dec. 17 pa magsisimula ang bagong season ng PBA, walang mami-miss na games ang mga Gilas players kung lalaro sila sa Nov. 24 at Chinese-Taipei sa Nov. 27. 

Dahil dito, posibleng kunin sa Gilas sina Japeth Aguilar at Greg Slaughter para sa palakasin ang frontline.

Out na ang naturalization prospect na si Isaiah Austin para sa November games dahil aabot ng halos tatlong buwan ang proseso ng naturalization kaya  sina Blatche or Standhardinger ang maaaring makalaro para sa Gilas sa first round ng home-and-away series.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with