^

PM Sports

Lady Maroons nalo sa CSB

Pang-masa
Lady Maroons nalo sa CSB

Dinipensahan nina Marian Alisa Buitre at Diane Rose Carlos ng UP ang atake ni Diane Ventura ng CSB. PM photo ni Joey Mendoza

MANILA, Philippines — Magaang pinataob ng University of the Philippines Lady Maroons sa straight sets ang College of St. Benilde Lady Bla-zers, 25-19, 25-13, 25-19  kahapon para masungkit ang ikalawang panalo sa tatlong laro sa Group B sa 2017 Premier Volleyball League Collegiate Conference sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Sa kanilang panalo, umangat ang Lady Maroons sa three-way tie sa ikalawang puwesto kasama ang Arellano Lady Chiefs at San Beda Red Lionesses sa parehong 2-1 win-loss kartada sa likuran ng nangungunang Adamson Lady Falcons (3-0) sa Group B.

Pero puwede pa ring umangat ang Arellano Lady Chiefs sa solo se-cond spot dahil naglalaro pa sila laban sa wala pang panalong TIP Lady Engineers habang sinusulat ang istoryang ito.

Dahil sa talo, lalong nanganganib ang Lady Blazers na hindi makapasok sa best-of-three semis round sa kanilang 0-3 card.

Sa men’s division, nagwagi ang Far Eastern University Tamaraws laban sa College of St. Benilde Blazers sa straight sets, 25-22, 27-25, 25-21, upang angkinin ang ikalawang semifinal berth.

Umiskor si team captain Richard Solis ng 17 puntos para makamit ng Tamaraws ang pang-apat na panalo sa limang laro at manatili sa ikalawang puwesto sa likuran ng wala pang talong Ateneo Blue Eagles na una ng pumasok sa best-of-three semis sa malinis na 5-0 win-loss kartada.

Sa iba pang laro, tinapos ng National University Bulldogs ang two-game slide matapos sa kanilang 25-21, 17-25, 27-25, 25-23 panalo kontra sa University of Sto. Tomas Growling Tigers.

Tumipak ng 21 puntos kabilang na ang dala-wang atake si Fauzi Ismail habang si Bryan Bagunas ay mayroong 15 puntos at 14 naman mula kay James Natividad upang iangat ang NU Bulldogs sa 2-2 record.

Dahil sa talo, bumagsak ang UST Tigers sa pang-limang puwesto sa 2-3 slate.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with