^

PM Sports

Gagawin lahat ng Cignal HD

Pang-masa

Laro ngayon (Ynares Sports Arena, Pasig City)

Finals (best-of-3)

5 p.m. - CEU vs Cignal HD (Game 2)

MANILA, Philippines - Kahit maituturing na undermanned, gagawin ng Cignal HD ang lahat upang mawalis ang Centro Escolar University  sa muli nilang pagtutuos nga-yong hapon sa Game Two ng  2017 PBA D-League Foundation Cup best-of-three  finals series.

Hindi pa rin makakalaro ang big man na si Reymar Jose kaya muling sasandigan ng Hawkers si  Jason Perkins para pamunuan ang pagkopo sa target nilang back-to-back title.

“Hopefully, we can be consistent on our game. It will be tough, but winning Game One is a good motivation for us going for Game Two,” pahayag ni coach Boyet Fernandez matapos ang 78-56 na pagdomina nila sa Scorpions noong Martes.

Bukod kay Perkins, inaasahan ding mag-i-step-up para sa Hawkeyes tungo sa hangad nilang double championships na naunang ginawa ng NLEX at Phoenix, sina Pamboy Raymundo,  Byron Villarias,  Oping Sumalinog  at Mark Bringas.

Kung sakali,  ito naman ang magiging ikawalong titulo ni Fernandez sa liga bilang coach.

Ngunit aminado ang beteranong mentor na kailangan nilang paghandaan ang tiyak na pagbawi ng Scorpions.

“It’s not yet over until it’s over. I have lot of respect for coach Yong (Garcia) and I’m sure they’ll find a way. This is a team capable of coming back and if you give them that chance then we have a problem,” ani Fernandez.

 Sa kabilang dako,  nangako naman ang CEU na gagawin ang lahat upang ‘di masayang ang napa-sakamay na oportunidad sa pagtatagpo nilang muli ng  Hawkeyes ngayong alas -5:00 ng hapon sa  Ynares Sports Arena sa  Pasig City.

“I’m always pushing my players na ibigay pa rin nila ang best nila at makipag-compete. ‘Yun ang importante kasi minsan lang ito mangyari na aabot kami ng championship. Sinasabi ko lang, ibigay nila ang best nila para sa career nila,” ayon kay CEU coach Yong Garcia. “No quit pa rin kami.”

Umaasa si Garcia na babawi ang mga beteranong sina Aaron Jeruta at JK Casi?o na pinatahimik noong Game One ng mahigpit na depensa ng Cignal kung kaya halos sinolo ni Rod Ebondo ang pagpasan sa CEU.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with