^

PM Sports

Mailap ang gold sa Philippines Team

Pang-masa
Mailap ang gold sa Philippines Team

Kaitlin  De Guzman (PM Photo Ni Jun Mendoza)

Kuala Lumpur – Tahimik ang Team Philippines kahapon at nakasungkit lamang ito ng isang silver at apat na bronzes sa ikalimang araw ng kumpetisyon sa 29th Southeast Asian Games sa Bukit Jalil National Stadium dito.

Pagkatapos sa limang gintong medalya noong Martes, bokya kahapon at tanging sina  Kaitlin de Guzman lamang ang nakakuha ng silver medal mula sa floor exercise ng artistic gymnastics at John Paul Bejar sa men’s karatedo -55kg kumite.

 Nagdagdag pa ang 17-anyos na si De Guzman ng isang bronze sa balance beam ng gymnastics.

Ang ibang bronzes ay mula kina Reyland Capellan sa vault event ng artistic gymnastics, Arniel Ferrera sa hammer throw ng athletics event (55.94-m) at Mae Soriano ng karatedo.

Matapos mabigong makakuha ng gold kahapon, inaasahang babawi ang mga Pinoy bets at makakahablot ng gold sa athletics, billiards, bowling, swimming, gymnastics, karatedo, pencak silat, cycling at shooting sa 48 gintong medalyang paglalabanan ngayon.

Tuluyan namang naglaho ang pag-asa ng Philippine men’s at women’s football teams matapos matalo sa defending champion Thailand, 0-2 sa MP Selayang Stadium.

Ito na ang kanilang ikatlong sunod na talo sa Group B  sa men’s football kaya ubos na rin ang pag-asang umabanse pa sa susunod na round.

Ang Malditas naman ay nabigo rin sa Myanmar, 0-6 sa Shah Alam Stadium para sa 1-2 win-loss record.

Makakaharap ng national football women’s team ang defending titlist Thailand sa alas-4 ng hapon ngayon sa parehong venue.

Samantala, buhay pa rin ang asam ng Philippine swimming team na matapos na ang mahabang gold medal drought sa pamamagitan ni 2016 Rio Olympian Jasmine Alkhaldi.

Pumasok ang 23-anyos na si Alkhaldi sa finals ng women’s 100-m freestyle kaya hangad niyang sungkitin ang gold medal sa swimming ngayong gabi.

Tuluyang lumayo na ang host Malaysia sa 42-35-23 gold-silver-bronze haul pumapangalawa ang Vietnam sa 21-13-19 at ikatlo naman ang Singapore sa 20-20-19, kasunod ang Thailand sa 14-19-28 at Indonesia sa 13-15-25.

Ang Philippines ay pang-anim sa 8-13-15 habang ang Myanmar ay 4- 4-5. Nasa pang-walo ang Brunei sa 0-1-5 at Laos sa 0-1-1 at Cambodia sa 0-0-5. Nanatiling wala pang medalya ang Timor Leste.

Inaasahan din ang tatlong gintong medalya sa boxing ngayong araw sa finals matches nina Mario Fernandez, Eumir Felix Marcial at Marvin John Tupas. Ang star-studded billiards team nina Carlo Biado, Warren Kiamco, Rubilen Amit at Cheska Centeno ay inaasahan ding magbibigay ng malaking panalo sa tropang Pinoy.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with