^

PM Sports

Ika-4 na diretso asam ng Star

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Habang hinihintay ang pagbabalik ni power forward Marc Pingris mula sa hip injury ay umaasa ang Star na pa-tuloy na masosolo ang liderato habang puntirya naman ng Blackwater ang kanilang ikalawang sunod na panalo.

Kamakalawa ay sumama na ang 35-an-yos na si Pingris sa ensayo ng Hotshots at sinabi ni coach Chito Victolero na posibleng makabalik sa aksyon ang 6-foot-6 veteran sa quarterfinal round ng 2017 PBA Governor’s Cup.

Pipilitin ng Star na mailista ang ikaapat na dikit na ratsada sa pagsagupa sa bumubulusok na Phoenix ngayong alas-7 ng gabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Huling biniktima ng Hotshots ay ang San Miguel Beermen, 104-98 noong Agosto 4 kung saan nagbida si 6’6 Ian Sangalang.

Determinado naman ang Fuel Masters na wakasan ang kanilang apat na sunod na kamalasan makaraang simulan ang season-ending conference bitbit ang 2-0 baraha.

Sa unang laro, tatargetin ng Elite ang kanilang pangatlong sunod na arangkada sa pagsagupa sa minamalas na Aces sa alas-4:15 ng hapon.

Mula nang duma-ting si balik-import Henry Walker para palitan ang nagkaroon ng injury na si Trevis Simpson ay dalawang sunod na panalo na ang naitatala ng Blackwater.

Mula sa 0-3 panimula ay magkasunod na pina-dapa ng Elite ang Phoenix Fuel Masters, 92-86 at ang NLEX Road Warriors, 107-106 para pala-kasin ang kanilang tsansa sa quarterfinals seat.

“Henry Walker continued to be the inspiration of the whole team,” sabi ni Blackwater coach Leo Isaac sa da-ting NBA player na nag-laro para sa NLEX.

Sa panalo ng Elite laban sa Fuel Masters ay nagposte si Walker ng 32 points, 15 rebounds at 5 assists at kumolekta ng 29 markers, 15 boards at 6 assists kontra sa Road Warriors.

Samantala, determinado naman ang Alaska na mailista ang kanilang kauna-unahang panalo sa season-ending conference mula sa 0-4 kartada.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with