^

PM Sports

Wong bagong pambato ng Pinas sa wushu

Nelson Beltran - Pang-masa

KUALA LUMPUR – Matapos maunsiyami sa mga nauna niyang events, nanatiling positibo at naka-focus si Agatha Wong at ito ay nagbunga.

Si Wong ang naging bagong wushu heroine ng Pinas matapos mamuno sa women’s Taijiquan event, isang araw matapos makawala sa kanya ang gold sa Taijijian sa Kuala Lumpur Convention Center dito.

Nagpamalas siya ng impresibong performance para umani ng iskor na 9.66.

Ang performance ni Wong’s sa Taijijian ay iniskoran ng 9.65, kapos ng.3 sa winning score ni Indonesian world champ Lindswell Kwok.

Si Wong ang naging unang Filipina wushu bet na nanalo ng SEAG gold medal na huling nagawa ni Marianne Mariano sa 60kg category sa sanshou (combat) noong 2009 sa Vietnam.

Nakapagbigay na ng karangalan sa bansa si Wong bilang junior player sa kanyang panalo sa taijijian event ng 7th Asian Junior Wushu nang siya ay high school senior pa lamang sa College of the Holy Spirit. 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with