^

PM Sports

Gymnastics may 2-ginto

Francisco Cagape - Pang-masa
Gymnastics may 2-ginto

Reyland Capellan. PM photo ni Jun Mendoza

Cray, Wushu, fencing nag-ambag

KUALA LUMPUR – Sa paghataw ng kampanya ng Philippine team sa 29th Southeast Asian games, dalawang ginto mula sa gymnastics, isa sa fencing, isa sa wushu at isa sa trackster na si Eric Cray ang naidagdag sa medal tally ng Pilipinas.

Nangibabaw sina veteran Reyland Capellan at ang rising star na si Kaitlin de Guzman  sa kani-kanilang events sa gymnastics competition kahapon sa Malaysia International Trade and Exhibition Center dito.

Bumawi ang 23-gulang na si Capellan,  gold medalist noong 2015 Singapore SEAG sa kanyang mga pagkakamali sa simula upang makalikom ng 13.950 at maghari sa men’s floor exercise event.

Tinalo ni Capellan sina Zul Bahrin Bin Mat Asri ng Malaysia at Tikumporn Surintornta ng Thailand, na may 13.750 at 13.670 points ayon sa pagkakasunod para sa silver at bronze medals.

“I’m so happy that I am able to contribute to the gold-medal production of the Philippines,” sabi ni Capellan, dating miyembro ng Centro Escolar University pep squad.

 Sinundan ng 17-anyos na si De Guzman ang panalo ni Capellan sa paglikom ng12.875 points para pangunahan ang uneven bars category na tumapos sa 20-taong paghihintay ng gold-me-dal ng Pinas sa women’s artistic gymnastics event.

Si Tracie Ang ng Malaysia ang naka-silver medal sa kanyang 12.550 points habang si Rifda Irfanaluthfi ng Indonesia ang naka-bronze sa kanyang12.075 points.

Naidepensa naman ni Cray ang kanyang titulo sa men’s 400-meter hurdles event sa track and field competition matapos magtala ng 50.03 segundo para sa gold medal.

Kaitlyn De Guzman

Nakapitas din ng gold sa 45 gintong pinaglabanan kahapon sina wushu artist Agatha Wong at fencer Brennan Wayne Louie.

Matapos makontento sa silver sa kanyang naunang event, umiskor si Wong ng 9.66 points para pamunuan ang women’s taijiquan event.

Tinalo naman ni Filipino-American Louie, gold medalist sa Asean Championship ang kababayang si Nathaniel Perez sa gold-medal match ng men’s foil event in fencing competition.

Bukod kay Perez, nakuntento rin sa silver si Hanniel Abella na natalo kay Nguyen Thi Hoa ng Vietnam sa women’s individual epee competition.

Habang sinusulat ang balitang ito, nakikipaglaban pa ang mga pambatong Pinoy sa athletics, karate, judo at boxing kung saan pumasok sa finals sina Mario Fernandez, Eumir Felix Marcial at John Marvin Tupaz.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with