^

PM Sports

Sweep ang tangka ng Lyceum

Pang-masa

MANILA, Philippines - Tatangkain ng league leader Lyceum of the Philippines University na pormal na mawalis ang unang round sa pakikipagtunggali nila sa Mapua University ngayong hapon sa pagtatapos ng kanilang first round campaign sa NCAA Season 93 basketball tournament sa Fil Oil Flying V Center sa San Juan City.

Ang kapitbahay nila sa Intramuros na Cardinals na lamang ang nalalabing koponan na hindi pa nakakasagupa ng Pirates. Nauna na nilang tinalo ang unang walong koponang kanilang nakaharap, pinakahuli ang Colegio de San Juan de Letran noong nakaraang Biyernes.

Ganap na alas-2:00 ngayong hapon, magsasagupa ang Pirates at ang Cardinals matapos ang unang seniors game kung saan magtutunggali ang College of St. Benilde at Arellano University sa alas- 12:00 ng tanghali pagkaraan ng nakatakdang unang dalawang laro sa juniors division na magsisimula ng alas-8:00 ng umaga.

Bagama’t nakapuwesto na para sa bibihirang sweep, ayaw itong bigyang pansin ng Lyceum at sa halip mas gusto nilang ipagpatuloy ang nasimulang adhikaing maglaro at ibigay ang lahat ng kanilang makakaya para makapagbigay ng inspirasyon sa iba lalo na sa mga sumusuporta sa kanila.

“Hindi namin iniisip ‘yung sweep. Basta lagi lang naming sinasabi sa mga players na “let’s play to inspire others,” sabi ni assistant coach Joseph Perlas.

Habang namamayagpag ang Lyceum, minalas naman ang Cardinals na bago pa magsimula ang season ay pilay na ang line -up at ngayo ‘y nabawasan pa sa kalagitnaan ng first round matapos samaing-palad na ma-injured ang mga beterano at key players na sina Leo Gabo at Andoy Estrella.

Nasa buntot ng standings ang Cardinals hawak ang barahang 1-6, panalo-talo kabaligtaran ng Lyceum na siyang nasa ulo hawak ang malinis na markang 8-0.

Sa unang salpukan, tatangkain ng Chiefs na maputol na ang kinasadlakang losing skid sa pagtutuos nila ng Blazers na gusto ding makaahon sa bottom 3 ng standings.

Samantala sa ikatlong seniors game, magtatangka naman ang Emilio Aguinaldo College na makaahon sa kinahulugang tatlong dikit na kabiguan sa pagtutuos nila ng University of Perpetual na nais namang bumangon sa pagkatalong nalasap sa kamay ng defending champion San Beda na ipinahiya sila noong Huwebes sa mismong home court nila sa Las Piñas City.

Magtutunggali ang Generals at Altas sa ganap na alas-4:00 ng hapon na susundan ng bakbakan ng kani-kanilang junior squads dakong alas-6:00 ng gabi. FML

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with