^

PM Sports

Paalam ibinawi nina Fernandez, Suarez

Francisco Cagape - Pang-masa
Paalam ibinawi nina Fernandez, Suarez

KUALA LUMPUR - Tinamaan ni Charly Suarez sa tiyan ang kalabang Malaysian. (PM photo ni Jun Mendoza)

KUALA LUMPUR – Nalagasan ng isa ang Philippine boxing team matapos matalo si Carlo Paalam ngunit bumawi naman sina Mario Fernandez at Charly Suarez sa magkahiwalay na laban kagabi sa boxing competition ng 29th Southeast Asian Games sa MITEC Hall 8 dito.

Nagwagi si Fernandez via unanimous decision laban kay Tran Phu Cuong ng Vietnam sa bantamweight division upang manatiling buhay ang asam na ikatlong gintong medalya sa SEA Games.

Hindi naman nagpahuli si Suarez at inilampaso niya si Khir Akyazlan Azmi ng host  Malaysia sa isa pang unanimous decision win sa light welterweight class.

“Nag-concentrate po ako talaga sa laban kasi baka mangyari ang katulad kay Carlo,” sabi ni Suarez.

Si Paalam ay natalo kay Muhamad Fuad ng Malaysia sa light flyweight class.

Ipinakita ni Suarez ang kanyang malawak na karanasan sa boxing sa pamamagitan ng left at right straight laban sa Malaysian tungo sa one-sided na panalo.

“Akala ko po, hindi bibilangan eh,” ayon kay Suarez na beterano sa 2016 Rio De Janiero Olympics.

Si Fernandez naman ay kumonekta ng mabibigat na suntok sa una at ikalawang round para makuha ang panalo.

“Nagpapasalamat po ako sa Panginoon at binibigyan po niya kami ng magandang kundis-yon,” sabi ni Fernandez, who joins flyweight Ian Clark Bautista, middleweight Eumir Felix Marcial and Suarez in the semifinal round.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with