^

PM Sports

Pagkatapos ng Thailand, isusunod ng Gilas Cadets ang Myanmar

Francisco Cagape - Pang-masa

KUALA LUMPUR – Hangad ng Gilas Cadets na masundan ang kanilang buwenamanong panalo kontra sa Thailand kamakalawa sa pagharap sa Myanmar ngayong alas-6:00 ng gabi sa MABA Stadium.

Nag-ambag ng kabuuang 45 puntos sina Troy Rosario, Christian Standhardinger at Bobby Ray Parks para iangat ang Gilas Pilipinas sa nakakatakot na 81-74 panalo laban sa Thailand sa una nilang laro sa basketball event ng 29th Southeast Asian Games sa MABA Stadium dito.

Lumamang pa ng da-lawang puntos ang nag-improve na mga Thais, 71-69 sa huling apat na minuto ng laro bago kumilos sina Keifer Ra-vena, Baser Amer, Parks at Standhardinger para maka-eskapo at itala ang unang panalo.

Sa dalawang free throw ni Ravena at sinundan ng isang jumper, nakuha ng Pinoy squad ang apat na puntos na bentahe, 75-71. Umiskor din si Amer ng lay-up upang ilayo sa peligro ang Gilas, 77-71, mahigit dalawang minuto ang natitira.

Bukod sa Thai-American na si Tyler Lamb, na-ging problema rin ng tropa ni coach Jong Uichico ang three-point shots ng mga Thais kung saan umani sila ng anim sa sampung tira at nangunguna sa rebound department, 50-42.

Samantala, dumating na dito sa Kuala Lumpur si Carl Bryan Cruz mula sa Beirut, Lebanon upang tulungan ang Gilas Pilipinas sa kampanya kung saan hangad ng Philippine national team ang pag-17 na titulo sa biennial games.

Sa women’s match, magaang naitaguyod ng Perlas Pilipinas ang 88-54 panalo kontra sa Singapore.

Umiskor si Afril Bernardino ng 16 puntos at 10 rebounds, three steals, at two blocks habang si Janine Pontijos ay may 13 at 10 kay Camille Sambile para sa Perlas.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with