^

PM Sports

Gilas nakuntento sa 7th place

Russell Cadayona - Pang-masa

2017 FIBA Asia Cup

CEBU, Philippines - Labanan lamang ito para sa seventh place, ngunit naglaro ang Gilas Pilipinas at ang Jordan na parang nag-aagawan para sa kampeonato.

Tinapos ng Nationals ang kanilang dalawang sunod na kamalasan matapos ungusan ang Jordanians, 75-70 para upuan ang pang-pitong puwesto sa pagsasara ng 2017 FIBA Asia Cup kagabi sa Nouhad Nawfal Sports Complex sa Beirut, Lebanon.

Itinayo ng Gilas ang 65-59 abante hanggang maagaw ng Jordan ang 70-65 kalamangan mula sa inihulog na 11-0 bomba sa huling 1:47 minuto ng fourth quarter.

Sa huling minuto ay humataw naman ang Nationals ng 5-0 atake, tampok ang three-point shot ni Terrence Romeo at layup ni 6-foot-8 Japeth Aguilar sa natitirang 12.6 segundo para sa 71-70 bentahe.

Ang turnover ng Jordanians ang tuluyang nagkaloob ng panalo sa Gilas.

Ito na ang pinakamasamang pagtatapos ng Gilas sa nakaraang apat na edisyon ng Asian meet makaraang pumuwesto sa fourth place Wuhan, China noong 2011 at maging runner-up sa Iran noong 2013 sa Manila at sa China sa Changsha noong 2015.

Nauna nang yumukod ang Gilas sa host Lebanon, 87-106 noong Sabado ng gabi na nag-laglag sa tropa ni head coach Chot Reyes sa labanan para sa seventh place sa 12-day, 16-nation meet.

Nalasap ng Nationals ang kanilang ikalawang sunod na kamalasan matapos matalo sa South Korea, 118-86 sa kanilang quarterfinals game noong Miyerkules.

Kinumpleto ng Gilas ang three-game sweep sa Group B matapos pabagsakin ang China, 96-87, Iraq, 84-68 at Qatar, 80-74 para makuha ang outright ticket sa quarterfinals.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with