^

PM Sports

Gilas sasagupa sa Lebanon para makalapit sa 5th place

RCadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Wala nang iba pang ha­ngarin ang Nationals kundi ang makuha ang fifth place matapos sibakin ng Koreans sa quar­ter­final round ng 2017 FIBA Asia Cup noong Mi­yerkules.

Sasagupain ng Gilas Pi­lipinas ang host Lebanon ngayong alas-9 ng ga­­­bi sa consolation round ng torneo sa Nouhad Naw­fal Sports Complex, Beirut, Lebanon.

Ang mananalo sa na­sabing bakbakan ang ma­kikipagtuos sa mananaig sa laban ng China at Jordan sa alas-6:30 ng gabi para sa fifth place.

Posibleng muling mag­krus ang mga landas ng Nationals at Chinese matapos maglaban sa gold medal round noong 2013 at 2015 FIBA Asia Cup.

Tinalo ng China ang Gilas sa nasabing dalawang edisyon ng Asian meet na idinaos sa Mani­la at sa Changsha, China no­ong 2013 at 2015, ayon sa pagkakasunod.

Ito na ang magiging pi­­nakamasamang kampanya ng Nationals sa na­­­kalipas na apat na edis­yon ng FIBA Asia Cup ma­tapos pumuwesto sa No. 4 sa Wuhan, China no­ong 2011 at No. 2 sa Ma­nila noong 2013 at sa Changsha noong 2015.

Makakaharap naman ng Iran ang South Korea at makakatapat ng Australia ang New Zealand sa semifinals na magde­de­termina sa mag-aagawan para sa gold medal.

Ang Korea ang nag­pa­tumba sa Gilas, 86-118, sa kanilang quarter­finals game noong nakaraang Mi­yerkules sa nasabing 12-day, 16-nation tournament.

Bago yumukod sa mga Ko­reans sa quarterfinals ay winalis muna ng Nationals ang mga Chinese, 96-87, Iraqis, 84-68, at Qataris, 80-74, para kumpletuhin ang three-game sweep sa Group B.

Ginawa ito ng Gilas ba­gama’t hindi naglaro si­na 6-foot-8 naturalized center Andray Blatche at 6'10 June Mar Fajardo (right calf injury).

Samantala, dinaig ng Australia ang China, 97-71, habang pinabagsak ng New Zealand ang Jordan, 98-70, para makasama sa Final Four ang Iran, ang three-time champions, at ang Korea, ang two-time ruler.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with