^

PM Sports

Pinoy athletes inalat sa medalya

Francisco Cagape - Pang-masa
Pinoy athletes  inalat sa medalya

KUALA LUMPUR-- Pumorma si Pinay archer Amaya Paz- Cojuangco sa women’s compound event ng archery sa 29th SEA Games. (PM photo ni Jun Mendoza)

KUALA LUMPUR – Ma­tapos mabigo sa 2016 Rio Olympiad, inaasa­hang babawi si Mary Joy Tabal sa marathon event ng 29th Southeast Asian Games na pormal na bu­buksan ngayon dito sa Bukit Jalil National Stadium.

Si Tabal, nangga­ling sa training sa Italy at Swit­zerland ay sasabak sa 42.196-k race sa alas-6:15 ng umaga.

Kasama ng Cebuana runner si Jeson Agravante na inaasahan din na magwawagi sa men’s competition.

Malaki ang kumpiyan­sa ng  28-anyos na si Tabal na malalagpasan niya ang inaasahang  38-41 deg­rees temperature para maibigay ang unang gold medal ng Pilipinas kasu­nod ang naunang silver mula sa sepak takraw at dalawang bronzes galing sa archery.

“Feelings that's hard to express in words. I'm excited, nervous, thankful, humbled and hopeful. I will wear the flag with pride. I will compete with a heart and will fight like a warrior,” sabi ni Tabal.

Si Agravante naman ng Silay City ay nangakong gagawin ang lahat para tuldukan ang mahi­git pitong taong walang gintong medalya sa ma­ra­thon event na dating pi­nagharian nina Eduardo Buenavista at Jho-Ann Ba­­nayag noong 2009 sa Laos SEA Games.

Natalo naman sina Paul Marton dela Cruz at Amaya Paz-Cojuangco sa semifinals ng compound event ng archery.

Naiwanan ng mahigit tatlong arrows, 156-159, ang tandem nina Dela Cruz at Cojuangco para sa bronze medal match kaya bigong tumuntong sa podium.

Ikinalungkot ng buong koponan ang pagka­talo ni Cojuangco, isang two-time gold medalist ng SEA Games at silver me­dalist sa 2015 Singapore Games.

 Ito pa lang ang unang kabiguan ni Cojuangco sa apat na pagsabak niya sa nasabing regional meet.

“Walang istorya kasi natalo. Sorry po,” sabi ni Cojuangco.

Ang Filipino compound team ay siyang nag­bigay ng dalawang bronze medals ng Team Philippines bago ang ope­ning ce­remonies.

 Ang dalawang bronze medals ay mula kay Dela Cruz at ang trio nina Earl Yap, Joseph Benjamin Vi­­cencio at Dela Cruz sa men’s team compound.

Nabigo ang Philippine national football team sa mga kamay ng Indonesia, 0-3, sa Shah Ahlam Sta­dium, habang ang Malditas ay natalo sa Vietnam, 0-3, sa UM Arena sa Pe­taling Jaya.

“I cannot accept those first two goals by Indonesia because we lost our fo­cus and concentration on defense. Those goals were not supposed to happen,” sabi ni men’s team coach Marlon Maro.

Tanggap naman ni coach Letlet Dimzon ang kabiguan ng Malditas sa malakas na Vietnam.

Magpapahinga muna ang Malditas ng apat na araw bago labanan ang Myanmar sa Agosto 22.

Ang tropa ni Dimzon ay bumagsak sa pang-apat na puwesto.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with