Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Meralco target ang 5-0

MANILA, Philippines - Muling magbabalik ang mga aksyon sa 2017 PBA Governor’s Cup  at target ng Meralco sa kanilang pang-limang sunod na panalo.

Sasagupain ng Bolts, ang 2016 runner-up, ang NLEX Road Warriors ngayong alas-6:45 ng gabi matapos ang salpukan ng Rain or Shine Elasto Painters at Kia Picanto sa alas-4:30 ng hapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Kasalukuyang bitbit ng Meralco ang imakuladang 4-0 record, samantalang solo naman ng NLEX ang ikatlong puwesto sa kanilang 4-1 kartada.

Nagmula ang Bolts sa 112-97 panalo laban sa Picanto noong Agosto 6 kung saan humakot si 2016 PBA Best Import Allen Durham ng triple-double mula sa kanyang tinapos na 25 points, 13 assists at 11 rebounds.

“We really wanted to focus on the game so as not to stumble, and stay on top,” sabi ni one-time PBA Grand Slam champion coach Norman Black sa kanyang Meralco.

Inaasahan namang babangon ang NLEX mula sa nalasap na 97-110 pag-yukod sa nagdedepensang Barangay Ginebra noong Agosto 5 na pu-migil sa kanilang apat na sunod na arangkada.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Sa unang laro, ipaparada ng Rain or Shine ang mga bagong hugot na sina Mark Borboran at Gilas Pilipinas cadet Ed Daquioag sa kanilang pagharap sa Kia.

Ibinigay ng Elasto Painters si veteran shooting guard Jeff Chan sa Phoenix Fuel Masters kapalit ni Borboran at isang second-round draft pick at si rookie guard Mike Tolomia sa Meralco para kay Daquioag.

Sina Tolomia at Daquioag ang ikalawang pares ng Gilas cadets na nasangkot sa trade matapos sina shooting guard Von Pessumal, napunta sa San Miguel, at center Arnold Van Opstal, nasa bakuran ng Globalport.

Samantala, kumuha ang Phoenix ng standby import sa katauhan ni Brandon  Brown habang nagpapagaling ng kanyang foot injury si Eugene Phelps.

Nakalasap ang Fuel Masters ng 86-92 pagkatalo sa Blackwater Elite sa kanilang huling laro noong nakaraang Linggo.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: