Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Pinay Spikers haharap sa Korea

MANILA, Philippines - Matapos mabigo sa Kazakshtan, tuloy pa rin ang laban sa Philippine national women’s team sa kanilang pagharap laban sa Pool C leader South Korea alas-5:30 ng hapon ngayon sa pagsisimula ng quarterfinal round ng 19th AVC Asian Senior’s Women’s Championship sa Alonte Sports Arena sa Biñan City, Laguna.

Tumapos ang Pinay volleybelles sa ikalawang puwesto sa Pool A sa kanilang 1-1 win-loss kartada sa likuran ng Kazakshtan na walang talo sa dalawang laro.

Nabigo sina Alyssa Valdez at Mika Reyes sa mas matangkad na Kazakhstan,  23-25, 20-25, 19-25 noong Biyernes. Ang tanging panalo pa lang nila ay sa Hong Kong,  25-21, 25-16, 25-17, noong Miyerkules.

Sa kanilang pagpasok sa quarterfinal round (top 8) naiangat din ni Valdez, Reyes, Jaja Santiago, Aby Maraño, Ces Molina ang koponan mula sa 12th place finish noong 2015 sa Tianjin, China.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: