Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Gilas isusunod ang Qatar

Sina Terrence Romeo at Christian Standhardinger. FIBA photo

MANILA, Philippines - Matapos talunin ang nagdedepensang Chinese at ang malalapad na Iraqis, isusunod naman ng Nationals ang Qataris walisin ang kompetisyon sa Group B sa pagpapatuloy ng 2017 FIBA Asia Cup.

Lalabanan ng Gilas Pilipinas ang hindi pa nananalong Qatar ngayong alas-9:00 ng gabi para sa inaasahang pagtatala ng kanilang ikatlong sunod na panalo sa Nouhad Nawfal Sports Complex sa Beirut, Lebanon.

Nauna nang nakamit ng Nationals ang outright entry sa Final Eight matapos patumbahin ang mga Iraqis, 84-68, noong Biyernes ng gabi para sa kanilang pangalawang dikit na arangkada sa elimination round.

Noong nakaraang Miyerkules ay giniba naman ng koponan ni head coach Chot Reyes ang China, 96-87.

Sa naturang panalo laban sa Iraq ay nagpa-kawala ang Gilas ng 19-0 atake sa third period sa likod nina 6-foot-8 Fil-German center Christian Standhardinger at scoring guard Terrence Romeo.

Humugot si Standhardinger ng 10 sa kanyang 16 points sa third quarter, samantalang kumamada si Romeo ng 11 sa kanyang 17 markers para tuluyan nang iwa-nan ang Iraq sa 56-35 kalamangan mula sa 32-31 abante sa halfftime.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Sinandigan ng Nationals ang magandang depensa ni Gabe Norwood at ng mahusay na outside shooting nina Carl Bryan Cruz, RR Pogoy at Matthew Wright.

Naglista sina Cruz, Pogoy at Wright ng pinagsamang 28 markers at nalimitahan naman ni Norwood si Iraqi natura-lized player Kevin Galloway sa third quarter.

Kumolekta ang one-time US NCAA Southwestern Athletic Conference first-teamer na may 15 points, 9 rebounds, 6 assists at 2 steals sa first half at tumapos na may 23 markers para sa mga Iraqis.

Samantala, pag-aagawan ng China (1-1) at Iraq (1-1) ang second at third spots sa group play.

Bumangon ang Chinese mula sa naunang kabiguan sa mga Pinoy nang kunin ang 75-66 panalo laban sa Qataris.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: