Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Ika-2 MVP ni Pablo

MANILA, Philippines - Nasungkit ni Myla Pablo ng Pocari Sweat ang kanyang ikalawang sunod na MVP honor sa Premier Volleyball League Open Conference sa ginanap na awarding ceremony kahapon bago ang Game One ng finals series ng BaliPure at Pocari sa FilOil Flying V. Arena sa San Juan City.

Ang dating National University standout ay pumapangalawa sa attack percentage sa kanyang 39.75% success rate. Bukod sa MVP plum nakuha pa rin ni Pablo ang 1st Best Outside Spiker citation.

Si Grethcel Soltones ng BaliPure naman sa  2nd Best Outside Spiker habang si Jeannette Pa-naga ng Pocari Sweat at Risa Sato ng Water Defenders sa 1st at 2nd Best Middle Blocker awards ayon sa pagkakasunod.

Binigay din kay Iari Yongco ng Philippine Air Force ang Best Opposite Hitter at si Mel Gohing ang Best Libero. Ang Creamline playmaker na si Jia Morado naman ang Best Setter.

Sa men’s division, hinirang si  Lorenzo Capate ng Cignal bilang  Premier Volleyball League Open Conference men’s division Most Valuable Player.

Nakuha ng Reinforced Conference Finals MVP na si Capate ang top honor bunga sa kanyang 47.30% success rate at pang-anim sa service winners sa average na 0.27 service kada set sa pitong laro ng elimination round.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Samantala, nanganga-ilangan lang ng tatlong sets ang Creamline upang pataubin ang Philippine Air Force, 25-16, 25-21, 25-19 para sa 1-0 bentahe sa kanilang best-of-three battle for third place.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: