^

PM Sports

Irving mananatili sa Cavaliers

Pang-masa

INDEPENDENCE, Ohio -- Higit sa 30 minuto ang ginugol ni Cleveland Cavaliers owner Dan Gilbert para sa pagprisinta ng positive portrait ng kanyang prangkisa.

Sa katotohanan ay magulo ngayon sa loob ng Cavaliers.

Sa kanyang unang public comments sapul nang humiling si Kyrie Irving ng trade, hindi kinumpirma ni Gilbert kung pagbibigyan niya ang kagustuhan ng All-Star point guard.

Subalit hindi niya isi-nantabi ang posibilidad na i-trade ang ikalawang best player ng Cleveland o kung mananatili pa rin si LeBron James matapos ang darating na season.

“These things are fluid,” wika ni Gilbert. “We think that Kyrie Irving is one of the best guards in the NBA. He was part of a championship, three years straight to the Finals and we value his talent - significantly.”

Sa kabila ng mga katanungan sa kasalukuyang estado ni Irving, hindi nagbigay si Gilbert ng detalye ukol sa kanilang pag-uusap kasama ang agent nito.

Sinabi ni Gilbert na umaasa siyang dadalo si Irving, ang jumper sa Game 7 ng 2016 NBA Finals, ang nagbigay sa Cleveland ng una nitong major championship matapos magkampeon ang Browns noong 1964, sa training camp ng Cavaliers sa Setyembre.

“Right now Kyrie Irving is under contract with the Cleveland Ca-valiers for two or three years, depending on the last year,” wika ni Gilbert.

“As of now he’s one of our best players and sure, we expect him to be in camp.”

Malinaw na gustong iligtas ni Gilbert ang Cavs o pangalagaan ang kanilang relasyon kay Irving, isa ngayon sa mga best backcourt players.

Sinabi ng bagong gene-ral manager ng Cavaliers na si Koby Altman na mananatili si Irving na isang ‘important piece’ para sa koponang naglaro sa tatlong sunod na NBA Finals.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with