^

PM Sports

Praktisado na ang mga kalaban, Gilas kabubuo pa lang

Pang-masa

MANILA, Philippines - Matagal nang nag-eensayo ang China, Qatar at Iraq at sumabak na sa mga warm-up events kum-para sa Gilas Pilipinas na pinangalanan lamang ang kanilang elite team para sa 2017 FIBA Asia Cup kamakalawa ng gabi.

Sa loob ng 12 araw ay kailangan ng Gilas Pilipinas na magsanay nang husto bago labanan ang mga Chinese, Qataris at Iraqis sa group play sa Lebanon meet na nakatakda sa Agosto 8-20.

Lalabanan ng Nationals ang Chinese sa Agosto 9 kasunod ang Iraqis at Qataris sa Agosto 11 at 13, ayon sa pagkakasunod.

 Nakumpleto na ng China ang kanilang dual meets laban sa Australia at New Zealand samantalang nagmula ang Qatar sa paglahok sa Atlas Challenge sa Suzhou, China at nagbalik ang Iraq sa training camp sa Istanbul matapos lumahok sa nakaraang Jones Cup.

Sumabak ang Gilas sa Jones Cup ngunit tanging ang cadet team na kakampanya sa 2017 Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur sa Agosto 19-30 ang isinalang ni coach Chot Reyes. Muling makakasama ni June Mar Fajardo ang kanyang mga teammates na nagkampeon sa nakaraang SEABA Championship noong Mayo sa kanilang pagsali sa FIBA Asia Cup.

Kailangang makapasok ang Gilas sa Top Three ng kanilang grupo kasama ang China, Qatar at Iraq para umabante sa knockout round ng Asian meet.

 Muling ipaparada ng China ang kanilang mala-king lineup habang may bagong programa ang Qatar sa ilalim ng bagong coach na si Qusai Hatem na magtatampok kay naturalized player Sammy Monroe, dating import sa PBA.

Determinado naman ang Iraq na makapasok sa Top Three sa kanilang pagbabalik sa FIBA Asia Cup kasama ang isang naturalized player sa katauhan ng isa kina DeMario Mayfield at Kevin Galloway.

Bumuo ang China ng dalawang bigating koponan na maglalaro para sa FIBA Asia home-and-away world qualifiers.

 Hinarap ng China Red team ang Australia at New Zealand sa isang serye at sumali ang China Blue squad sa Atlas Challenge kontra sa Iran, Australia, Qatar, Lithuania, USA, Ukraine at Belarus.

 Isang regular competitor sa Jones Cup, pinili ng mga Qataris na maglaro sa Atlas Challenge kesa sa Taipei Invitationals bilang paghahanda sa FIBA Asia Cup.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with