^

PM Sports

Baste ayaw mapahiya sa homecourt

Pang-masa

MANILA, Philippines - Magawa kayang putulin ng season host San Sebastian College ang naumpisahang trend sa mga school games ng NCAA Season 93 basketball tournament kung saan natatalo ang mga home o host teams sa nakatakda nilang paghu-host ngayong hapon sa Jose Rizal University  sa kanilang home court sa Claro M. Recto Avenue sa Manila?

Kapwa nabigo ang mga host schools sa unang dalawang idinaos na school games sa kanilang mga panauhin, una ang Arellano University sa kamay ng San Sebastian at sumunod ang Mapua sa kamay ng University of Perpetual.

Pumapang-apat sa ngayon kasalo ng Perpetual Help Altas at ng College of St.Benilde Blazers na may 1-2 panalo-talo, sisikapin ng Stags na makabalik sa winning track matapos ang huling kabiguang nalasap sa nakaraan nilang laro kontra sa league leader na Lyceum of the Philippines.

Sa kabila ng pagka-talo, kuntento si Stags coach Egay Macaraya sa ipinamalas na laro ng kanyang mga players. “Natutuwa ako sa mga bata at proud ako sa kanilang attitude na ipinapakita. Fight lang talaga ng fight kahit anong mangyari.”

Gayunman, sinabi ng beteranong si Michael Calisaan na hindi sila dapat magkampante kasabay ng pangakong sisikapin nilang manalo sa mga susunod nilang laro.

“Siguro okey lang na matalo kami ngayon, pero gusto rin naming manalo at may natitira pa kaming 15 games para sa chance na magawa ‘yun,” wika ni Calisaan.

Para naman sa panig ng kanilang katunggali, tatangkain ng Heavy Bombers na makapagtala ng unang back-to-back  wins ngayong season kasunod ng naiposteng ikalawang tagumpay sa nakaraang laban nila kontra sa Letran.

Upang magawa ‘yun,  inaasahan ni coach Vergel Meneses na hindi na mawawala ang aniya’y nagbalik na karakter ng kanyang koponan bukod pa sa mabawasan ang kanilang mga turnovers sa huling bahagi ng laban.

Magtutuos ang Stags at ang Heavy Bombers sa dakong alas-4:00 ng hapon pagkatapos ng salpukan ng kani-kanilang junior teams ganap na alas-2:00 ng hapon. FML

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with