^

PM Sports

Curry, 4 pa OK na sa Golden State

Pang-masa

SAN FRANCISCO – Pormal na inihayag ng Golden State Warriors noong Martes ang pagkakaplantsa ng mga kontrata ng kanilang mga free agents kasama dito ang nakakalulang $201-million deal ni Stephen Curry.

Hindi inilabas ng Warriors ang de-talye ng mga kontrata nina Curry, Ke-vin Durant, Andre Iguodala, Shaun Li-vingston, Zaza Pachulia at David West.

Noong Hulyo 1 ay sinabi ng agent ni Curry sa ESPN na pumayag ang two-time NBA Most Valuable Player na pirmahan ang five-year deal na nagkakahalaga ng $201 milyon.

Ang naturang kontrata ni Curry ang naunang itinuring na pinakamalaki sa kasaysayan ng NBA.

Ngunit ang naturang kontrata ay tinalbugan ni James Harden nang lagdaan ang $228 million extension para sa Houston Rockets na siya ngayong pinakamalaki sa NBA history.

Pumayag naman si Durant sa isang two-year deal na nagkakahalaga ng $53 milyon, habang isang three-year, $48 million deal ang para kay Iguodala.

Pipirma naman si Pachulia sa isang one-year, $3.5 million deal habang si Livingston ay sa isang three-year contract na $24 milyon at si West ay makakatanggap ng veteran’s minimum na $2.3 million sa loob ng isang taon.

Sa Oakland, California, sinampahan ng kaso si Golden State star Draymond Green ng magkasintahan na nagsasabing ininsulto sila ng grupo ng player  noong nakaraang taon saa Michigan.

Humihingi ng danyos sina Jermaine Edmondson at Bianca Williams  sa kasong isinampa sa Alameda County sa California.

Ayon sa salaysay, nakabanggaan nila si Green sa isang night club sa East Lansing noong nakaraang summer at ininsulto pa si Edmondson, football player noon sa Michigan State University, sa kanyang scholarships. Diumano’y isinalya siya sa dingding at sinakal matapos harass-in. Nagkita uli sila sa isang restaurant sa sumunod na gabi kung saan sinampal diumano ni Green si Edmondson.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with