^

PM Sports

Nagbunga ang effort ng Balipure

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines - Naiwasan ng BaliPure na mangyari ulit ang masaklap na talo noong Sabado kaya tinodo na nila sa fourth set para magwagi laban sa Akari-Adamson Lady Falcons, 25-18, 25-23, 19-25, 25-20 kahapon upang manatiling buhay ang asam na semis sa 2017 Premier Volleyball League Open Conference sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Matapos masungkit ang unang dalawang sets, biglang nanlamig ang Water Defenders na nagbigay daan na makuha ng Lady Falcons ang third set, 25-19 at maipursige ang ikaapat na yugto.

Malaki na naman ang pangamba ni coach Roger Gorayeb na maulit ang nangyari noong Sabado kung saan natalo sila sa Perlas-BanKo kahit lumamang ng dalawang sets. Ngunit humataw sina Jasmine Nabor, Grethcel Soltones at Jerrilli Malabanan ng 7-0 rally para tapusin na ang laro sa mahigit 95 minuto.

Pinangunahan ni Jerrilli Malaba-nan ang BaliPure sa kanyang 16 puntos habang si Soltones ay umiskor ng 14 at 10 mula kay Risa Sato para sa kanilang ikatlong panalo sa anim na laro at makisosyo sa Perlas-BanKo sa ikaapat na puwesto sa likuran ng walang talong Creamline (6-0) at pumapangalawang Air Force at Pocari na may parehong 4-1 card.

“Hindi na namin iniisip ang talo namin noong Sabado. We just focused on our last two games including this one today. Kailangan naming maipanalo ang huling dalawang laro para buhay ang pag-asang makapasok sa Final Four,” sabi ni Nabor.

Si Nabor ay humakot ng 32 excellent sets at may kasama pang walong puntos bilang hitter at setter sa laro.

“Nasanayan ko na rin ‘yun. Pero hindi ko na lang iniisip dahil kung ‘yun ang makakatulong sa team namin, gagawin ko,” dagdag ni Nabor.

Umani rin ng walong puntos si Iris Oliveros at anim kay Aiko Urdas sa kanilang preparasyon kontra sa Pocari Sweat sa huling laro ng elimination round ngayong Linggo.

Samantala, kapwa nagwagi ang Sta. Elena Wrecking Balls at Phi-lippine Army Troopers sa parehong straight-sets sa magkahiwalay na laban upang manatiling buhay ang asam na semifinal slot sa men’s division.

Pinatumba ng Wrecking Balls ang Gamboa Coffee, 25-19, 25-16, 25-20 habang pinadapa naman ng Army Troopers ang Cafe Lupe sa parehong straight sets, 25-16, 25-20, 25-17 para kapwa manatili sa sosyohan sa pang-apat na puwesto sa parehong 3-3 win-loss card.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with