^

PM Sports

Lyceum wala pa ring talo

Edu Punay - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nanatili ang Lyceum of the Philippines Pirates na undefeated sa tatlong laro matapos ang kumbinsidong 78-73 panalo kontra sa San Sebastian College Stags kahapon sa pagpapatuloy ng 93rd NCAA basketball tournament sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Bumida ang team captain na si Jesper Aya-ay sa crucial stretch habang nagpakitang gilas naman si Jaymar Perez mula umpisa ng laro hanggang matapos upang isunod ang Baste sa mga tinalo ng San Beda Red Lions, 96-91, noong Hulyo 14 at Jose Rizal Heavy Bombers, 96-75 noong Hulyo 11.

Umiskor si Perez ng 20 puntos, limang rebounds, tatlong assists at dalawang steals habang si Ayaay ay umani naman ng 17 puntos para sa Pirates para ilaglag ang Stags sa 1-2 card.

Sa unang laro, humataw ang nagdedepensang San Beda Red Lions sa ikatlong yugto para magwagi laban sa Emilio Aguinaldo Generals, 81-69 na nagpahigpit ng kanilang hawak sa ikalawang puwesto sa 3-1 kartada.

Sa iba pang laro, nanalo rin ang Jose Rizal University Heavy Bombers laban sa Letran Knights, 65-62 upang masungkit ang pangalawang panalo sa apat na laro.

Pinangunahan ni Jed Mendoza ang Heavy Bombers sa kanyang 17 puntos kabilang ang krus-yal steal sa huling minuto na nagsalba sa kanila at ibaon ang Knights 1-2 slate. (FG)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with