^

PM Sports

Madugo at Bigo

Abac Cordero - Pang-masa
Madugo at Bigo

Pacquiao nasilat kay Horn

BRISBANE, Australia – Tunay ngang na-ging madugo ang laban nina Manny Pacquiao at Jeff Horn.

Sinilat ni Horn ang Filipino legend na si Pacquiao para hirangin bilang bagong WBO welterweight champion kahapon sa Suncorp Stadium dito.

Binigyan ng tatlong judges si Horn ng 117-111, 115-113, 115-113 puntos para sa kanyang unanimous decision victory laban kay Pacquiao sa pinakamalaking boxing event sa kasaysayan ng Australia.

Umakyat si Pacquiao sa ring bilang heavy favo-rite at hangad maitala ang una niyang knockout win sa loob ng walong taon.

Ngunit nalasap niya ang pang-pitong kabiguan.

Ito ang ikaapat na pagkatalo ni Pacquiao sa kanyang huling 9-laban.

Ang kabiguan kay Horn ang maaaring kumuwestiyon sa pagpapatuloy ng boxing career ni Pacquiao.

Kung hindi magbabago ang kanyang plano ay nakatakdang umuwi si Pacquiao ngayon sa Ge-neral Santos City.

Walang bumagsak sa kanila ni Horn ngunit ilang beses napuruhan si Pacquiao ng mga uppercuts at big rights ng Australian.

Nagkaroon si Pacquiao ng pagkakataong mapatumba si Horn sa ninth round ngunit hindi niya ito nagawa.

Sinabi na kamakailan ni trainer Freddie Roach sa mga reporters na kung mananalo si Pacquiao sa mahirap na paraan ay hihikayatin niya itong tuluyan nang magretiro.

Inamin ni Michael Koncz, ang ring adviser ni Pacquiao na nabigo si ‘Pacman’ na magbigay ng kahanga-hangang laban kay Horn at posibleng ito na ang magiging huli niyang laban.

Wala pang solidong desisyon si Pacquiao, ngunit handa siya sa isang rematch kay Horn.

Nagkaroon si Pacquiao ng problema sa taas at laki ni Horn kung saan ilang beses siyang nabi-gong makakonekta.

Naputukan ang da-ting school teacher sa gilid ng kanyang kanang mata mula sa accidental headbutt.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with