^

PM Sports

Pacquiao target ang knockout win

Abac Cordero - Pang-masa
Pacquiao target ang knockout win

Sina Manny Pacquiao at Jeff Horn sa kanilang official weigh-in para sa kanilang laban ngayon. PM photo ni Abac Cordero

BRISBANE, Australia – Ito ang laban kung saan madedetermina kung magpapatuloy pa ang boxing career ni Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao.

Itataya ni Pacquiao ang hawak na WBO welterweight crown kontra kay undefeated hometown bet Jeff Horn ngayon sa Suncorp Stadium dito.

“This is it,” sambit ng 38-anyos na si Pacquiao sa bisperas ng kanyang laban, ang una niyang pag-akyat sa ring matapos agawan ng WBO title si American Jessie Vargas sa Las Vegas noong Nobyembre.

“I will do my best to make you happy. I’m excited,” pangako ng ‘Fighting Senator’, magbubulsa ng $10 milyon (P500 milyon) sa pagharap niya sa 29-anyos na si Horn, tatanggap ng $500,000.

Aakyat ng ring si Pacquiao bandang ala-1:30 ng hapon (alas-11:30 ng umaga sa Manila) sa harap ng inaasahang 55,000 fans.

Hangad ni Pacquiao ang kanyang unang knockout win matapos noong 2009.

Kailangan ni Pacquiao ng isang knockout win para maibangon ang kanyang bumabagsak na reputasyon at muling makuha ang tiwala ng global networks na umiwas sa kanyang mga laban.

Sa kanyang huling walong laban ay tatlo ang nai-patalo ni Pacquiao.

Kung mapapatumba ni Pacquiao si Horn ay may posibilidad na mangyari ang kanyang hinahangad na rematch kay Floyd Mayweather Jr., muling lalaban matapos magretiro noong 2015 para harapin si UFC superstar Conor McGregor sa isang boxing match sa Agosto 26.

Ayon kay Pacquiao, hindi pa niya ito iniisip.

“I don’t know yet because my focus in this fight. There’s a possibility because I’m still in boxing. He’s active in boxing and I’m active. But we’re not talking about that yet,” wika ni Pacquiao kay Mayweather na tumalo sa kanya noong Mayo ng 2015.

Ito ang unang pagkakataon sapul noong 2005 na ang laban ni Pacquiao ay isasaere nang libre.

“By far, this will be the biggest viewership ever for a Manny Pacquiao fight,” sabi ni fight promoter Bob Arum ng Top Rank Boxing Promotions ilang araw bago ang nasabing laban na magiging pinakamalaki rin sa Australian boxing history.

Naipanalo ni Pacquiao ang 59 sa kanyang 67 laban kasama ang 6 loss at 2 draws kontra kay Horn, isa lamang amateur noong  2012 London Olympics kung kailan naman magkakasunod na tinalo ni ‘Pacman’ sina Oscar dela Hoya, Miguel Cotto at Antonio Margarito.

“We cannot underestimate the opponent. He has a good punch. And I’m sure he trained as hard. This is the biggest of his life. I know how it feels,” wika ni Pacquiao kay Horn.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with