^

PM Sports

Magandang pagtatapos ng Cocolife

Pang-masa

MANILA, Philippines - Sinamantala ng Cocolife ang maluwag na depensa ng baguhang Cherrylume para maitala ang 25-22, 25-16, 25-19 panalo  kahapon sa  Philippine Superliga (PSL) All-Filipino Conference sa  Baliwag Star Arena  sa Bulacan.

Nagningning ang performance ni Michelle Gumabao para Asset Managers sa pagtatapos ng kanilang kampanya sa  preliminaries.

Ang panalo ang ikalawa ng Cocolife’ sa anim na  laban upang tumapos na pangatlo sa Pool D. Makakatapat nila ang  Cignal sa  do-or-die quarterfinal bukas. Nalasap naman ng Cherrylume ang ika-anim na sunod nilang pagkabigo at makatunggali nila ang topseed Futon sa quarterfinals .

Nagdeliver si Gumabao, ng 10 kills at isang  ace na sinundan ni Shannen Palec na may 9 na puntos upang pamunuan ang Asset Managers.

Hindi pinalagpas ng Cocolife ang malam-yang laro ng Cherrylume’ at pinaulanan ito ng 34 na hits kumpara sa 19 lamang ng huli bukod pa sa 32 puntos na nagawa nila mula sa errors ng mga ito.

“We’re still working on our communication inside the court,” ani Gumabao,.“We had some lapses in our communication in our past few games. I hope we could resolve that now that we’re entering the quarterfinals. We still have a lot of things to work on.”

Nanguna naman para sa koponan na binubuo ng mga manlallaro ng University of the East,  si team skipper Mary Ann Mendrez  na may 11 puntos.

Habang sinusulat ang balitang ito ay nag-lalaban pa ang Cignal at Generika-Ayala sa ikalawang laro kagabi bilang pagtatapos ng ikalawang round. ng torneong ito. FML

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with