^

PM Sports

Pa-cool lang si Manny na hinarap ang media

Dino Maragay - Pang-masa
Pa-cool lang si Manny na hinarap ang media

Manny Pacquiao

BRISBANE, Australia – Nakasuot ng puting T-shirt, asul na shorts at isang Golden State Warriors cap, hinarap ni Manny Pacquiao noong Martes ang media para sa isang maik-ling panayam bago ang kanyang naka-iskedyul na workout sa isang gym sa loob ng Suncorp Stadium, ang venue ng kanyang WBO welterweight title defense kontra kay Jeff Horn sa Linggo.

Isa-isang sinagot ni Pacquiao ang mga katanungan mula sa mas nakararaming Australian press.

Sa pagitan ng seryoso niyang mga sagot ay nakakapagsundot si Pacquiao ng ilang nakakatawang jokes.

Napansin ng press ang pamumula ng kaliwang mata ng Filipino boxing superstar.

Sinabi ni Pacquiao na ito ay resulta ng isang subconjunctival he-morrhage o isang broken blood vessel sa kanyang mata.

“It’s just a contact lens,” wika ng Filipino icon kasunod ng tawanan mula sa mga nakapaligid sa kanya.

Ibinunyag ng isang source na ito ay tinamaan ng sparring partner ni Pacquiao kamakalawa.

Ngunit hind ito iniintindi ng kanyang mga handlers na umaasa ng isang knockout victory ni Pacquiao laban kay Horn sa hangaring buhayin ang kanyang boxing career.

Tinanong kay Pacquiao ang posibilidad na turuan siya ni Horn sa iba-baw ng boxing ring.

Si Horn ay isang licensed schoolteacher na kumpiyansang tatalunin at aagawan ng WBO crown si Pacquiao.

“What I can say is that it’s good that he (Horn)’s a teacher. Also, I’m a teacher in the ring. So we’re both teachers,” sagot ni Pacquiao.

Ibinuhos ni Pacquiao ang kanyang media workout na may kasamang mga jokes sa bawat rounds ng sha-dowboxing at mittwork.

Ito ay nagpapakita na walang ina-alala si Pacquiao sa kanilang upakan ni Horn sa Linggo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with