^

PM Sports

San Sebastian Stags unang hahamon sa Red Lions sa NCAA Season 93

Pang-masa

MANILA, Philippines - Sisimulan ng Season 92 finalists San Beda College at Arellano University ang kani-kanilang kampanya sa  opening day ng 93rd NCAA men’s basketball tournament sa magkahiwalay na laban sa Mall of Asia Arena sa Pasay City sa Hulyo 8.

Makakasagupa ng  nagdedepensang Red Lions ang season hosts na San Sebastian Stags sa pambungad na laro sa alas-2 ng hapon, habang makakatunggali naman ng 2016 runner-up na Chiefs ang  Mapua Cardinals sa alas-4 ng hapon.

Wala na sa Arellano ang kanilang ace playma-ker na si Jio Jalalon, ang nag-iisang local player na pumasok sa Mythical Team, habang wala na rin sa Cardinals  ang back-to-back MVP  at Defensive Player awardee na si Allwell Oraeme.

Matapos ang opening ay ipagpapatuloy ang mga aksyon sa Hulyo 11 sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.

Tampok dito ang triple-header na kinabibila-ngan ng salpukan ng  University of Perpetual Help at College of St. Benilde  sa alas-12 ng tanghali  na susundan ng tapatang Jose Rizal University-Lyceum sa alas-2 ng hapon at ng labanang Letran-Mapua sa alas-4.

Magiging host ang Arellano sa pagharap sa San Sebastian sa una sa anim na ‘home-and-away’ seniors games sa  first round ng eliminations sa Hul-yo 13  sa alas-4 ng hapon.

Nakatakda namang sumalang ang Emilio Aguinaldo College sa Hulyo 14 sa Fil Oil Flying V Centre kontra sa St. Benilde sa alas-2 ng hapon.

Magdaraos din sa ikalawang pagkakataon ang NCAA ng regular game sa labas ng Metro Manila sa Hulyo 27 sa San Sebastian College sa Cavite kung saan makakasagupa nila ang JRU.

Naunang nagsagawa ng laro sa labas ng Metro Manila ang NCAA noong 2012 sa Sta. Cruz, Laguna. (FMLumba)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with