^

PM Sports

SMBEER niresbakan ang TNT Katropa

Russell Cadayona - Pang-masa
SMBEER niresbakan ang TNT Katropa

Isang jump hook ang ginawa ni TNT Katropa import Joshua Smith para maiwasan ang supalpal ni June Mar Fajardo ng San Miguel sa Game Two kagabi. PM photo ni Joey Mendoza

MANILA, Philippines - Naging mabalasik ang panimula ng TNT Katropa.

Ngunit sa huli ay ang San Miguel pa rin ang nagwagi.

Binalikan ng Beermen ang Tropang Texters sa Game Two, 102-88, para itabla ang kanilang best-of-seven championship series sa 2017 PBA Commissioner’s Cup ka-gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Binuksan ng TNT Katropa ang laro sa pa-mamagitan ng 17-0 kala-mangan hanggang ma-agaw ng San Miguel ang unahan sa 33-32 mula sa basket ni import Charles Rhodes sa 6:12 minuto ng second period.

Isinara ng Beermen ang first half tangay ang nine-point lead, 52-43, sa likod ng 12 at 11 points nina three-time PBA Most Valuable Player June Mar Fajardo at Arwind Santos, ayon sa pagkakasunod.

Mula dito ay humataw ang San Miguel sa third quarter kung saan nila itinala ang 72-49 bentahe galing sa three-point shot ni Chris Ross sa 7:41 minuto nito.

Nauna nang nakalusot ang Tropang Texters sa Game One, 104-102, mula sa game-winning basket ni import Joshua Smith noong Miyerkules.

Natabunan ang TNT Katropa sa pagpinid ng third period, 90-62, at hindi na nakuhang makabangon sa final canto kung saan ipinoste ng San Miguel ang 32-point advantage, 94-62, galing sa dalawang magkasunod na basket ni Fajardo. 

Tatargetin ng San Miguel, nasa kanilang ika-38 finals appearance at target ang pang-24 korona, ang 2-1 bentahe laban sa TNT Katropa sa Game Three bukas.

SAN MIGUEL 102 - Fajardo 22, Ross 20, Santos 16, Cabagnot 13, Lassiter 8, Rhodes 7, Espinas 6, Reyes 4, Agovida 2, Semerad 2, Tubid 2, Heruela 0, Van Opstal 0.

TNT Katropa 88 - Castro 14, Semerad 12, Rosario 12, Smith 11, Rosales 9, Tautuaa 8, Carey 8, Williams 4, De Ocampo 3, Garcia 3, Hernandez 2, Nuyles 2, Tamsi 0, Golla 0, Pogoy 0.

Quarterscores: 24-32; 52-43; 90-62; 102-88.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with