^

PM Sports

Batangas sinolo ang No. 3

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakabalik sa winning track ang tropa ng Batangas at umangat pa sa second spot ng team standings matapos gi-bain ang AMA Online Education, 95-76, sa 2017 PBA D League Foundation Cup kaha-pon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Kaagad nalamangan ng mga Batangueños ang Titans sa pagsisi-mula ng laban.

Mula doon ay nagbagsak ang Batangas ng 15-2 blast upang layuan ang Titans, 17-6, at hin-di na lumingon pang muli para makabawi sa nakaraang kabiguan sa kamay ng CEU at uma-ngat sa 3-1 sa ilalim ng wala pang talong Flying V (3-0).

Buhat sa 18-point lead sa halftime, 44-26, ay pinaabot pa ito ng Batangas hanggang 23 puntos sa iskor na 82-59, may 7:26 minuto sa natitirang oras sa laban matapos ang isang lay-up ni Jerald Bautista.

“Good thing we maintained the core of the team and they are starting to show what we expect from them,” pahayag ni Batangas coach Eric Gonzales. “Pero marami pa ring dapat itama at dapat ga-win.”

Pinangunahan ni Bautista ang nasabing panalo ng Batangas mula sa kanyang itinalang 22 points, 5 rebounds at 1 steal kasunod si Joseph Sedurifa na nagdagdag ng 16 markers, 7 boards,  3 assists at 1 steal.

Umiskor si Ivan Villanueva ng 14 points, habang nagtala si Andrei Paras ng 10 points, 22 rebounds at 4 shot blocks para sa Titans.

Sa ikalawang laro, ang CEU ang nagta-gumpay na makapagtala ng back-to-back wins matapos pataubin ang Zark’s Burgers, 78-62. (FMLumba)

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with