^

PM Sports

Pat Dilema tinalo si Jeffrey Zarate

Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi umubra ang paglutsa ni Rodeo G. Fernandez na nagdala sa kabayong Don’t Look Back sa kabayong Big­lang Buhos na sinakyan naman ni Pat Dilema sa ginanap na New Philip­pine Jockey’s Association, Incorporated, Philippine Racing Commission Cup kahapon sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Sa tampok na karera na nailarga sa isang mil­ya ay nagpatiuna agad ang Don’t Look Back para mabigyan ng matin­ding laban ang naging paboritong Big­lang Buhos.

Sa halos kabuuan ng karera ay magkasabay na nag-unahan ang Big­lang Buhos at Don’t Look Back habang ang Greatwall na pinatungan ni Jeffrey T. Zarate ay tila nag-aabang lang sa ikatlong puwesto sa likuran ng dalawa.

Nang kinakitaan na ng panghihina ang kabayong Don’t Look Back papasok sa huling kurbada ay biglang sumungaw sa unahan ang Greatwall na animo’y siya na ang mananalo.

Pero sa diretsahan sa rekta ay muling nag-umento ang kabayong Biglang Buhos at nabawi ang liderato sa Greatwall sa pagkatalo ni Zarate  kay Dilema.

Naging tersero puwesto pa ang Naughty Girl na ginabayan ng sumisikat na hineteng si Onil P. Cortez.

Ang panalo ay nanga­hulugan ng P180,000 unang premyo para sa koneksyon ng Biglang Buhos. Ang Greatwall na nasegundo ay nagkaroon ng runner-up purse na P67,500 samantalang ang tersero na Naughty Girl ay may P37,500.

Binaybay ng Biglang Buhos ang distansiyang 1,600 meters sa bilis na 1:42-1/5 na may mga quarter times na 26.5; 23.5; 25.0 at may dating pang 27.5 seconds.

Samantala, maganda rin ang ipinakitang takbo ng kabayong Faithful Wife para pangunahan ang NPJAI-PCSO Cup race na nailarga naman sa 1,300 meters.

Sa kaagahan ng karera, biglang umarangkada ang Wolf Of Wallstreet na nirendahan ni Lester F. De Jesus na malayo ang ipinagbandera  kaya inakala nga ng marami ay makakatapos ng karera.

Sa rektahan, biglang nangibabaw ang husay ni Onil P. Cortez nang mailampas niya ang Faithful Wife mula sa Wolf Of Wallstreet. Ang coupled runner pa nitong Caloocan Zap ang siyang kumuha ng runner-up prize na P56,250. Ang kampeong Faithful Wife ay nabiyayaan ng P150,000 unang premyo. JMacaraig

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with