^

PM Sports

PSL-Manila pinaghandaan ang laban vs. Thailand

Pang-masa

MANILA, Philippines - Naghanda ang Rebis-co PSL-Manila para sa nakatakda nilang laban kontra  sa Supreme team ng Thailand nga-yong hapon sa simula ng classification phase ng Asian Women’s Club Volleyball Championships sa Kazahkstan.

Magtutuos ang dalawang koponan sa ganap na alas-2 ng hapon  (alas-4:00, 
Manila time).

Sinabi ni national team coach Francis Vicente sa kanyang mga manlalaro na kalimutan na ang naging resulta ng nakaraang elimination at ituon ang isip para makapaglaro ng maayos kontra sa mga Thais.

“Let’s be motivated by those negative comments we get from people, let’s use it positively,” ani Vicente na tinutukoy ang mga pagpunang naglabasan sa social media.  “We will fight. Be positive and optimistic.”

Sa pangunguna ng kanilang superstar middle blocker  na si Pleumjit Thinkaow, winalis ng Thailand ang Group A matapos igupo ang host Altay, Taiwan Power at Sarmayeh Bank ng Iran.

Ayon kay Vicente, mababa ang morale ng 14 na miyembro ng Rebisco PSL Manila nang lumaban ang mga ito kontra sa Tianjin  ngunit sinikap pa rin nilang lumaro.

Nag-usap-usap sila kahapon kung saan nagsalita sina team captain Rachel Anne Daquis, Aby Maraño at Jovelyn Gonzaga upang muling ma-motivate ang team para lumaban.

“The reporters asked me why the team is always smiling and always celebrating our points,” ani  Daquis na kinapanayam ng mga dayuhang reporters. “I told them that’s our nature. We always have positive aura.” FML

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with