^

PM Sports

PSI-Smart ID program tagumpay sa Laoag

Pang-masa

LAOAG CITY, Philippines - Inamin ng mga local coaches at trainors na magiging ‘eye opener’ para sa kanila ang pagdaraos ng Philippine Sports Institute Sports Mapping Action Research Talent Identification (PSI-Smart ID) ng “Grassroots Coaching Program.”

Nasa ikalawang araw, ang nasabing programa ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga team coaches mula sa iba’t ibang sports na ibahagi ang kanilang kaalaman sa mga lokal.

“Mayroon na akong knowledge sa coaching pero nung nagsimula ang lecture, mas dumami pa ang kaalaman ko especially about sa rules ng laro,” wika ni Harley Manayag, sports coordinator ng Dinglas National High School.

“Sila kasi nagtuturo ng basic, hindi diretso agad sa actual. ‘Yung basic talaga ang makakatulong sa mga estudyante at player para umangat,” dagdag pa nito.

Ayon naman kay Nestor Calip, ang Region 1 sepak takraw coach at da-ting national team member na kumatawan sa Pilipinas noong 1981 SEA Games, ibang-iba ang coaching methods ngayon kumpara sa kanyang panahon.

“Natutuwa ako kasi not like nung time namin sari-ling sikap lang kami, wala kaming nakikitang gagayahan,” ani Calip. “Sana magtuluy-tuloy itong proyekto ng Philippine Sports Commission lalo na itong Grassroots Program. Napakalaking bagay para sa mga manlalaro natin.”

Akala ni Marlon Daquioag, PE teacher sa Gabo National High School, madali lang matutuhan ang boxing pero hindi pala, matapos mag-seminar.

Higit sa 80 partisipante mula sa Ilocos Norte ang lumahok sa four-day event na nagsimula noong Sabado.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with