^

PM Sports

PVL quarterfinals hahataw ngayon

Pang-masa

MANILA, Philippines -  Haharapin ng defending champion Pocari Sweat ang Philippine Air Force habang magsasagupa naman ang Perlas at Creamline sa umpisa ng quarterfinal round ngayon sa 2017 Premier Volleyball League Reinforced Conference sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Matapos ang double round elimination, nasungkit ng BaliPure ang unang outright semis berth bunga sa 7-3 win-loss kartada habang tumapos naman ang Power Smashers at Pocari sa parehong 6-4 card ngunit nakuha ng Lady Smashers ang ikalawang semis slot dahil sa superior quotient kaya nahulog ang Lady Warriors sa quarterfinals kasama ang natitirang tatlong koponan.

Ang iba sa quarterfinalist para pag-agawan ang huling dalawang semis slots  ay ang Perlas (5-5), Creamline (4-6) at Air Force Jet Spikers (2-8). Sa kanilang labanan sa round robin quarterfinals, balik muli sa 0-0 ang kanilang win-loss record.

Magtatagpo ang Pocari at Air Force sa alas-4 ng hapon habang ang Perlas at Creamline ay magsasagupa sa alas-6:30 ng gabi. Target naman ng Sta. Elena (2-1) at Philippine Army (2-2) na sumunod sa semis sa kanilang paghaharap sa alauna ng hapon sa men’s division.

Hangad ng Pocari na bumawi sa Lady Jet Spikers matapos harangin ang kanila sanang outright semis entry noong Huwebes kung saan natalo ang Lady Warriors sa limang sets 19-25, 26-24, 27-25, 21-25, 6-15 sa likod ng itinalang league record na  40 puntos ng import na si Michelle Strizak.

Inaasahan ding babalik na si Myla Pablo mula sa back injury para sa Pocari para tumulong sa koponan na nanganganib dahil sa pagkawala ng 6’3 Bosnian import na si Edina Selimovic na nagkaroon ng hamstring injury.

Ang Lady Jet Spikers ni coach Jasper Jimenez ay muling sasandal kay import Patcharee Saengmuang ng Thailand at local players na sina Joy Cases, Jocemer Tapic, Iari Yongco, Mae Antipuesto at Wendy Semana.

Bukod sa Amerikanong import na si Strizak, aasa rin ang Pocari sa kanilang title-retention bid nina Shola Alvarez, Jeanette Panaga, Maricar Nepomuceno at Desiree Dadang.

Muli namang magsasagupa ang Creamline at Perlas at tiyak ang paghihiganti ng Lady Spikers dahil napigil ang kanila sanang outright semis bunga ng 19-25, 20-25, 25-23, 14-25 pagkatalo sa koponan ni Alyssa Valdez noong Huwebes sa pagtatapos ng elims ng torneo na inorganisa ng Sports Vision at sinusuportahan ng Mikasa at Asics.

Ngunit lumalakas na rin ang kumpiyansa ng Creamline ni Valdez sa tulong nina imports Kuttika Kaewpin ng Thailand at Laura Schaudt ng US, Pau Soriano, Coleen Bravo, Jema Galanza at Aurea Racraquin.

Inaasahang babangon ang Perlas sa pamamagitan nina imports Rupia Inck ng Brazil at Japanese setter Naoko Hashimoto, Amy Ahomiro, Kathy Bersola, Amanda Villa-nueva, Sue Roces, Diana Carlos at Nicole Tiamzon.   

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with