^

PM Sports

Cavs balik sa finals

RCadayona - Pang-masa

BOSTON -- Magbabalik si LeBron James at ang defending champion Cleveland Cavaliers sa NBA Finals.

Ito ay matapos magposte si James ng 35 points, 8 rebounds, 8 assists at 3 steals habang nagtala si guard Kyrie Irving ng 24 points at 7 assists para sa 135-102 paggiba ng Cavaliers sa Celtics sa Game Five para tuluyan nang angkinin ang Eastern Conference title.

Sisimulan ng Cleveland, ipinahinga ang mga starters nila sa buong fourth quarter, ang kanilang NBA Finals series ng Golden State Warriors sa Huwebes sa Oakland.

Sinikwat ng Cavaliers ang 2016 title matapos magkampeon ang Warriors noong 2015.

Maglalaro si James para sa kanyang pang-pitong sunod na NBA Finals at puntirya ang pang-apat niyang korona.

Nagsalpak si James, naglista ng 13 of 18 fieldgoal shooting at 4 of 7 sa 3-point range ng isang 3-pointer sa huling 2:41 minuto ng third quarter para lampasan si Michael Jordan at maging NBA all-time leading playoff scorer.

Kumolekta naman si Kevin Love ng 15 points at 11 rebounds at nag-ambag si Deron Williams ng 14 points sa loob ng 17 minuto mula sa bench para sa 12-1 record ng Cleveland sa postseason.

Pinangunahan ni Avery Bradley ang Celtics sa kanyang 23 points kasunod ang 14 markers ni Gerald Green.

Sa huling 2:44 minuto ng laro ay nagsimulang sumigaw ang mga Boston fans ng “Let’s Go Celtics” hanggang sa pagtunog ng final horn.

Iniskor ni Irving ang unang 11 points ng Cleveland sa pagsisimula ng third period bago nagsalpak si James ng dalawang basket para sa kanilang 25-point lead sa 6:39 minuto dito.

Lumobo pa ito sa 35-point advantage sa pagtatapos ng nasabing yugto.

Tumapos si Irving, ipinagpag ang iniindang twisted ankle, ng 9-of-15 fieldgoal shooting at may 4-of-8 sa three-point range.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with