^

PM Sports

Avenido playing coach ng Gamboa Coffee Lovers

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Makalipas ang dalawang taon na hindi pagla-laro,  nakatakdang magbalik sa aktibong paglalaro ang dating Far Eastern University standout na si Leo Avenido.

Sa muli niyang pagbalik sa basketball,  magsisilbi rin siyang playing coach para sa bagong koponang  Gamboa Coffee Lovers sa PBA D-League.

Huling naglaro ang 36-anyos na si Avenido noong 2015 PBA Governors’ Cup para sa koponan ng Kia Carnival.

Nakapaglaro rin ang  6-foot-2 forward sa Asean Basketball League kung saan nagwagi siya bilang Most Valuable Player noong 2012 para sa San Miguel Beermen.

Bukod sa 10th overall draft pick ng Coca Cola Tigers noong 2002, ang iba pang mga manlalaro ng Coffee Lovers ay sina Marcy Arellano, Jens Knuttel, Val Acuna, Ken Acibar, Gino Jumao-as, Jett Vidal, Mark Sarangay, Jayson David, Storm Riva, Alvin Padilla, Abubakar Dadjilul, Mark Montuano at Joemari Lacastesantos.

Samantala, lalo pang pinalakas ng Aspirants’ Cup champion Cignal HD ang kanilang roster para sa kanilang back-to-back bid sa pamamagitan ng pagkuha sa serbisyo ng dating Far Eastern University hardworking big man na si Raymar Jose at dating San Beda playmaker Dan Sara.

Inaasahang makakatulong ang dalawa para sa target na ikalawang sunod na titulo ng Hawkeyes kasama nina Jason Perkins,  Pamboy Raymundo,  Harold Arboleda at Mark Bringas.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with