^

PM Sports

May injury ba si LeBron?

Pilipino Star Ngayon

INDEPENDENCE, Ohio – Hindi mahagilap si LeBron James at nanatiling tahimik kagaya sa Game Three.

Hindi kinausap ni James ang media noong Lunes ilang oras matapos ang pinakamasama niyang postseason games sa kanyang career kung saan tumapos siya na may 11 points at 6 turnovers sa 108-111 kabiguan ng Cleveland Cavaliers laban sa Boston Celtics sa Eastern Conference finals series.

Dahil sa masamang inilaro ng Cleveland superstar ay marami ang naghihinalang may injury siya.

“It was a weird game,” sabi ni Cavs coach Tyronn Lue. “A weird-feeling game.”

Bago ito ay kumakamada si James ng hindi bababa sa 30 points sa walong sunod na playoff games ng Cleveland.

Ngunit ibang James ang nagpakita sa Game 3 noong Linggo.

Kataka-takang ang isang kamador na kagaya ni James ay naging tila isa na lamang sa mga reserves ng Cavaliers.

Tatlong tira lamang ang ginawa ni James at hindi tumapak sa free throw line sa fourth quarter.

Hindi siya nakaiskor sa huling 16 minuto ng laro.

Kung walang injury si James ay sinabi ni Cavs forward J.R. Smith na nawalan lamang ng kumpiyansa ang kanyang teammate.

Isang three-time champion, four-time MVP, two-time Olympic gold medalist, global icon at may billion-dollar-business-in-sneakers.

Nakatakda ang Game Four nitong Martes sa Quicken Loans Arena bago bumalik ang serye sa Boston nitong Huwebes para sa Game Five.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with